Saturday , June 14 2025

Awat tigil-pasada, hirit ng Palasyo

060722 hataw Frontpage

ni Rose Novenario

NAIS awatin ng Malacañang ang balak na tigil-pasada ng mga jeepney operators at drivers to ngayong linggo dahil aaksyon ang pamahalaan upang maibsan ang epekto ng patuloy na paglobo ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Umaaray na nang husto ang iba’t ibang transport groups gaya ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) sa walang habas nga oil price hike sa nakalipas na mga buwan magtutulak sa mga tsuper ng jeepney na itigil na lamang ang pagpasada dahil wala na halos silang kinikita.

Nanawagan ang Piston sa pamahalaan na alisin ang excise tax sa langis upang bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Hinimok ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap) ang gobyerno na saklolohan ang maliliit na operators para makabili ng electric jeepneys upang maibiyahe ng mga tsuper na   matinding nagdurusa sa  pagsirit ng presyo ng produktongf petrolyo.

“Nanawagan kami sa mga tsuper at operator ng mga jeep na huwag ituloy ang kanilang planong tigil pasada ngayon linggo,” sabi ni acting Presidential Spokesman Martin Andanar sa isang kalatas.

“Ginagawa ng inyong pamahalaan ang makakaya upang tulungan ang mga tsuper at mga operator sa gitrna ng pagtaas ng presyo ng langis,” dagdag niya.

Tuluy-tuloy aniya ang opamamahagi ng fuel subsidy ng pamahalaan at mahigit 180,000 public utility vehicle operators na ang nabigyan ng fuel subsidy mula noong 1 Hunyo 2022, batay sa ulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa LTFRB, makatatanggap ng P6,500 financial assistance ang mga tsuper ng jeepney, UV express, mini buses, buses, shuttle services, taxis, tricycles, at iba pang full-time ride-hailing and delivery services na kuwalipikado sa fuel subsidy program.

Ipinatupad ngayon ang dagdag na P6.55 sa bawat litro ng diesel kaya’t aabot na sa P75.30 – P90.60 ang presyo nito.

Habang ang presyo ng gasoline ay dinagdagan ng P2.70 kada litro kaya’t ang halaga nito’y nasa P74.40 – P97.85.

Ang kerosene ay tinaasan ng P5.45 bawat litro at ang halaga nito’y nasa P83.09 – P90.82.

Inihayag ng Department of Energy na ang paglobo ng presyo ay dulot ng tumataas na demand ng mga bansang nakararanas ng tag-init at ipinarutupad na ban sa Russian oil.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga …

061325 Hataw Frontpage

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

HATAW News Team HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang …

Bella Belen Alas Pilipinas AVC Womens Volleyball Nations Cup

Sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi, Vietnam
Alas Pilipinas (Women’s) ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan sa panalo kontra Kazakhstan

TINALO ng Alas Pilipinas ang mas mataas na ranggong koponan ng Kazakhstan, 25-21, 25-15, 25-19, …

GameZone Vice Ganda FEAT

IT’S A MATCH! GameZone launches dynamic new chapter with Vice Ganda as its first-ever ambassador

The newest logo of DigiPlus’ youngest gaming platform – GameZone. The game just got better …

AVC Womens Volleyball Nations Cup

Alas Pilipinas wagi laban sa New Zealand

ALAS PILIPINAS ay wagi kontra New Zealand, 25-17, 25-21, 25-18, upang manatiling buhay ang pag-asa …