Tuesday , January 21 2025
drugs pot session arrest

5 caught in the act (CIA) sa pot session

LIMA kataong hinihinalang drug personalities ang dinakip matapos mahuli sa aktong nagpa-pot session sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga suspek na sina Jerry Cabuang, 43 anyos; Ronnie Latorre, 38 anyos; Carlo Tisado, 31 anyos; Denmark Salvador, 37 anyos; at John Espinosa, 47 anyos; pawang residente ng lungsod.

Ayon kay P/SSgt. Ana Liza Antonio, nakatanggap ang mga operatiba ng SDEU ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen tungkol sa illegal drug activities na nagaganap sa bahay ni Espinosa sa Malinis St., Brgy. Lawang Bato kaya’t nirespondehan ng pulisya sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre para i-validate ang naturang report.

Pagdating sa naturang lugar dakong 1:00 am, naaktohan ng mga operatiba ng SDEU ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob ng naturang bahay.

Nakompiska sa mga suspek ang nasa limang gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P34,000, cellphone, P300 cash at drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Rodante Marcoleta

Rodante Marcoleta Emphasizes Transparency, Accountability, and Strategic Reforms in Governance

Senatorial candidate and Partylist Representative Rodante Marcoleta shared his views on critical national issues during …

Zaldy Co

Pagkasibak ni Rep. Zaldy Co bilang chairman ng House appropriations panel ikinatuwa ng netizens

MAYNILA – Tila ipinagbunyi ng mga netizen  ang pagkakatanggal ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy …

BingoPlus Sinulog Festival Cebu FEAT

Tara na sa Cebu with BingoPlus para sa Sinulog Festival!

Join the celebration of the grandest and most colorful festival in the Philippines, the Sinulog …

011625 Hataw Frontpage

Sa Sta. Mesa, Maynila
EDAD 5, 11, AT 16 ANYOS MAGKAKAPATID NA BABAE PATAY SA NATUPOK NA BAHAY

HATAW News Team HINDI nakaligtas sa kamatayanang tatlong magkakapatid na babae, edad 5, 11, at …

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …