Sunday , January 19 2025
arrest prison

Sa Malabon at Navotas…
5 TIKLO SA SHABU AT MARIJUANA

SHOOT sa kulungan ang limang bagong identified drug personalities (idp’s) matapos madakma sa magkahiwalay na buy- bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas Cities, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Malabon City  police chief Col. Albert Barot, dakong 3:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander de Cruz ng buy- bust operation sa Adante St. Brgy., Taňong,

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Carlos Reyes, 25 anyos at Marc Ryan Laxamana, 24 anyos, matapos magbenta ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur-buyer, kasama si Rolando Madeja alyas Potpot, 54 anyos, na nakuhanan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 10.2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P69,360.00, hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P324.00 ang halaga at buy bust money.

Sa Navotas City, nadakma din ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU ilalim ng pamumuno ni Col. Dexter Ollaging sa buy- bust operation sa S. Roldan St., Brgy. Tangos South dakong 12:10 ng madaling araw si Ronnel Cruz, 54 anyos at Nomer Ochoa, 37 taong gulang.

Narekober sa mga suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price (SDP) Php 34,000.00 at P300 marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022. (Rommel Sales)

About Rommel Sales

Check Also

011625 Hataw Frontpage

Sa Sta. Mesa, Maynila
EDAD 5, 11, AT 16 ANYOS MAGKAKAPATID NA BABAE PATAY SA NATUPOK NA BAHAY

HATAW News Team HINDI nakaligtas sa kamatayanang tatlong magkakapatid na babae, edad 5, 11, at …

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …