Friday , March 31 2023
drugs pot session arrest

Naaktohang nagsesesyon <br> 2 MANGINGISDA ARESTADO SA SHABU

KULONG ang dalawang lalaki na naaktohang nagsa-shabu sa loob ng isang kubo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Northern NCR MARPSTA Chief P/Maj. Randy Ludovice ang naarestong mga suspek na sina Ricardo Bueno, 47 anyos, mangisngisda ng Block 1 Lot 39 Squater Area NFPC, Brgy. NBBN; at Ruben Bordaje, 50 anyos, fish worker, ng NFPC Brgy. NBBS.

Ayon kay P/CMSgt. Richard Denopol, habang nagsasagwa ng patrol operation ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni P/Capt. Luisito Balatico sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Oliver Tanseco sa Navotas Fish Port Complex, Brgy. NBBN, napansin nila ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang nakabukas na kubo.

Nang lapitan nina Pat. Ecequiel at Pat. Samboy Pandi ay hindi na nakapalag ang mga suspek nang magpakilala silang mga pulis saka dinakip ang dalawang suspek.

Nakuha sa mga suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, nasa P200 ang halaga, at ilang drug paraphernalia. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …