Friday , June 2 2023
Comelec Smartmatic F2 Logistics

Comelec, Smartmatic, F2 Logistics dapat managot sa talamak na kapalpakan ng VCM

DAPAT managot ang Commission on Elections (COMELEC), Smartmatic, at F2 Logistics sa mga naganap na kapalpakan sa halalan kahapon kasama ang malawakang pagkasira ng vote counting machines (VCM), at voter disenfranchisement o mga botanteng nawalan ng karapatang bumoto.

Nakasaad ito sa report ng election watchdog Kontra Daya kaugnay sa katatapos na national at local elections.

Anang grupo, sa kabila ng daan-daang milyong pisong ginasta para ayusin ang 96,981 sa 97,315 VCMs, lalong tumataas ang kaso ng pagkasira ng VCM tuwing eleksiyon.

Sa kabila umano ng kinasangkutang mga kontrobersiya ng Smartmatic mula nang naging bahagi ng halalan sa bansa noong 2010 ay iginawad pa rin sa kanila ang P637-milyong kontrata para i-refurbish ang VCMs.

Giit ng Kontra Daya, sa naranasang abala sa mahabang pila at paghihintay dulot ng pagkasira ng VCMs kaya nawalan ng karapatang bumoto ang mga botante.

“Despite earlier pronouncements that there are supposedly 2,000 VCMs on standby, there were reports that defective machines had not been not replaced. Now, the Comelec is stating that this election year is the VCM’s ‘last dance’ as the quality and efficiency of the machines have deteriorate,” sabi ng Kontra Daya.

Pinuna ng Kontra Daya, sa nakalipas na tatlong halalan ay mas kaunti ang naka-standby na VCMs na umabot sa 2,000 kahapon kompara noong 2019 na 7,000.

“Despite repeated calls from Kontra Daya and other concerned groups and individuals, Comelec has not extended voting hours.”

Mariing kinondena ng Kontra Daya ang kapalpakan ng COMELEC, Smartmatic, at logistics service provider na F2 Logistic ni Duterte crony Dennis Uy upang matiyak ang  isang “smooth, transparent and credible automated election system.”

“The people are right in expressing indignation over this dire development.” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …