Saturday , April 1 2023

Dahil sa mental health condition
BINAY ‘DI KALIPIKADO MAGING SENADOR

050522 Hataw Frontpage

HINILING kahapon ni dating Overseas Workers  Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson sa Commission on Elections (Comelec) na tingnan ang mental capability ni dating vice president Jejomar Binay na sinasabing nakararanas na ng dementia o memory disorder.

Sa isang pahinang manifestation na inihain kahapon ni Uson sa Comelec, iginiit na wala siyang kahit anong galit kay Binay ngunit karapatan niya bilang botante at mamamayan ng bansa na isapubliko ito lalo at may posibilidad na makapasok sa Magic 12 ng Senado sa darating na eleksiyon.

“As someone who loves the country, I am concerned about the possibility that a leading candidate for the Senate may no longer be capable of fulfilling his duties to the people and the Republic after he is elected,” paliwanag ni Uson.

Aniya, sa kasalukuyan ay hindi na maayos ang kalagayan ni Binay at mapapatunayan ito sa  madalang na partisipasyon sa campaign rallies sa nakalipas na dalawang buwan.

“For those who have been following the former Vice President’s career, his silence is completely uncharacteristic. And given the reports on his supposedly failing health, quite alarming. Mr. Binay has been among the most vocal critics of our beloved President Rodrigo Roa Duterte, yet during this period where his voice needs to be heard the most — he has stayed in the shadows,” dagdag ni Mocha.

Sinabi ni Uson, kung may dinaranas na mental health condition si Binay ay hindi dapat magbulag-bulagan ang Comelec para tiyakin ang kanilang mandato na sinomang tumatakbo ay nasa tamang pag-iisip at kalusugan.

“This issue is not something that we can simply turn a blind eye to. The fact is Mr. Binay is among those who have a good chance of landing one of the twelve vacant seats in the Senate. This is a situation that must not be taken lightly, as it would be a grave injustice to the voters — and to the country ultimately — if he is elected but could not perform his functions because he is not physically or mentally able to do so. It would also be a tragedy if many of the other qualified and deserving candidates are denied the opportunity to serve the country by someone who is no longer able to function to the full requirements of the office of Senator”paliwanag ni Uson.

Umaasa si Uson, hindi totoo ang lumalabas na report na may dementia si Binay gayonman kung maging totoo ito ay dapat maging transparent sa isyu ang Comelec. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …