Saturday , June 10 2023
Rose Lin

Mainit na eleksiyon at private army ni Rose Lin kinastigo

NANGANGAMBA ang Koalisyong Novaleño sa umiinit na laban ng mga kandidato sa District 5 ng Quezon City.

Ito’y matapos silang mag-file ng 290 counts ng kasong Vote Buying sa Commission on Elections (Comelec) na sinabi ng kampo ni Rose Lin na ‘fake news’ at ‘pakana’ ng kanyang mga kalaban.

“Kami po ay nababahala sa mga aksiyon ni Rose Lin. Bukod sa malawakang vote buying, meron siyang private army na nakapaligid sa kanya kapag nag-iikot sa kanyang kampanya. Naaalarma ang mga taga-Novaliches kasi ngayon lang nangyari ang ganito, kandidatong may private army!

Anang mga Novaleño, “hindi bababa sa walong armado ang nakapaligid kay Rose Lin palagi at sila ay galing umano sa Isabela. Ang alam namin dalawa lang ang allowed na escort ayon sa batas.

“Bakit kailangan niya ng private army e mapayapa dito at maayos ang mga Novaleño? May kaaway ba siya? May pinagtataguan ba siya? Bakit tila takot siyang lumabas mag-isa sa Novaliches?” ani Ted Lazaro, isa sa mga convenor ng Koalisyong Novaleño.

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga politiko na sumunod sa patakaran ng Comelec at sa  tinatawag na “Alunan Doctrine” na dalawa lamang ang dapat na bodyguard sa kampanya bawat kandidato.

Sinabi ni Duterte, paglampas ito sa itintakdang dalawang, private army na eto at “ipaaaresto ko ang kandidato at mga armadong kasama nito.”

Sinabi ng Pangulo, hihigpitan ang pagpapatupad nito upang maiwasan ang karahasan.

Nanawagan ang Koalisyong Novaleño Kontra Koropsiyon ng Novaliches sa Malacañang, DILG, PNP, at Comelec para maigting na ipatupad ang anunsiyo ni Presidente Duterte patungkol sa private army ni Rose Lin.

Kinuwestiyon din nila kung bakit kailangan ni Rose Lin ang ganoon karaming armadong kasama, gayong peaceful and orderly ang mga eleksiyon sa Novaliches ng nakaraang mga taon.

Dagdag ni Lazaro nakadokumento ang mga armadong tao at isusumite nila ito sa Comelec.

Sinabi ni Commissioner George Garcia, handang magsampa ng kaso ang Comelec mismo laban sa mga kandidato kung makikitang lumalabag sa mga batas pang-eleksiyon.

Nagpaikot ang Comelec ng mga ahente nito sa District 5 ng Quezon City upang imbestigahan ang mga reklamo laban kay Rose Lin.

About hataw tabloid

Check Also

Philippines money

Maharlika Investment Fund bill pinare-recall ni Pimentel

HINILING ni Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pag-recall sa Maharlika Investment …

Marie Dimanche Michael Vargas Eric Buhain Jessi Arriola Bambol Tolentino

Vargas, nahalal na pangulo; Buhain, SecGen ng PSI

NAIHALAL bilang bagong pangulo ng Philippine Swimming, Inc. (PSI) ang long-time swimming patron na si …

Madugong madaling araw na aksidente sa Bulacan TRUCK VS SUV 5 PATAY 2 SUGATAN

Madugong madaling araw na aksidente sa Bulacan
TRUCK VS SUV 5 PATAY 2 SUGATAN

Lima ang patay samantalang dalawa ang sugatan nang suruin ng isang truck ang isang sports …

Alan Peter Cayetano

Sa usaping e-governance
GOBYERNO, TAGALUTAS NG PROBLEMA — CAYETANO

DAPAT  maging tagalutas ng problema ang gobyerno. Ito ang paalala ni Senador Alan Peter “Compañero” Cayetano …

Money Bagman

Pinal na kopya ng Maharlika Investnment Fund Bill isusumite ngayong Linggo sa Palasyo

NAIS ng Senado na maisumite sa palasyo ng Malakanyang ngayong linggo ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill. Ayon …