Friday , June 2 2023
Leni Robredo

#BoyingSinungaling trending sa social media posts ng mga artista

TRENDING sa sa social media, lalo na sa posts ng mga artista, ang #BoyingSinungaling nang magpatutsada si Cavite congressman Boying Remulla na naghakot ang kampo ni VP Leni Robredo para sa rally nito sa General Trias.

Isa sa umalma ay ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzales na agad nag-post sa kanyang Twitteraccount. Anito, “Bakit hirap ang iba na maniwala na sasadyain ng libu-libong tao ang rally para suportahan ang tapat, mahusay, masipag at makataong lider nang walang kapalit na pera? 

“Paninindigan at pag-asa ang tawag dun, at di kailangan ng bayad,” dagdag ni Bianca.

Hindi man tinukoy ni Nikki Valdez, tila nagparinig siya kay Remulla. “Gano’n kasi talaga kapag prinsipyo at puso ang puhunan,” post naman ng artista. “Alam niyo po yung salitang priceless? Parang hindi.”

Pinagtawanan naman ng komedyanteng si Ogie Diaz ang bintang ni Remulla sa mga dumalo sa rali na umano’y mukhang mga estudyante na naturuan ng mge rebeldeng komunista.

Nakakatawa yung nambibintang ka ng red-tagging, hakot at bayaran, nakita mismo ng mga mata mo, dahil natrapik ka, eh di dapat vinideo mo para [may] ebidensiya ka. Kaya pala merong #BoyingSinungaling na trending,” tweet ni Ogie.

Hindi pa natapos dito si Ogie at hinalungkat niya ang isyu ng kapatid ni Remulla na si Jonvic Remulla, gobernador ng Cavite, na sampu sa mga taga-suporta nito ay natimbog ng mga pulis noong 2019 sa umano’y pamimili ng boto.

Sa isang Facebook post naman ay pinuri ng dating special adviser ng National Task Force on COVID-19 na si Dr. Tony Leachon ang paninindigan ng mga dumalo sa grand rally ni Robredo sa Cavite.

Paninidigan ang tawag doon at hindi P500,” giit ni Leachon.

Ayon naman sa isang doctor at Twitter user na si Doc Deane, nagbigay ang Cavite Doctors for Leni ng P20,000 para makapagdagdag ng dalawang ambulansya at emergency medical technicians para sa event noong March 4.

Ako nag-ayos ng lahat ng ito, at ako ang main doctor for the emergency response for the 47k people who were there. 500 Pesos? ’Wag ako,” sabi nito sa kanyang post.

Trending ang #BoyingSinungaling sa Twitter mula Linggo hanggang nitong Lunes ng gabi.

Nagsilabasan ang mga personalidad na “kakampink” sa social media para depensahan ang kanilang kandidato na nangunguna na sa paramihan ng tao na dumadalo sa mga pagtitipon.

About hataw tabloid

Check Also

Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil

LizQuen hiwalay na

KINOMPIRMA na ng dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na hiwalay na ito kay Enrique Gil. Sa Showbiz …

Moira dela Torre Parents Lolito Go

Lolito at mga magulang ni Moira nagkaiyakan 

HINDI pa tapos ang pagpapahayag ng kani-kanilang saloobin ukol sa binuksang usapin ni Lolito Go kay Moira. Pagkatapos …

Vic Sotto Maja Salvador

Vic palagay agad ang loob kay Maja; hanga sa galing umarte, kumanta, sumayaw

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL sa isang convenience store iikot ang istorya ng Open 24/7, tinanong namin …

Arjo Atayde Maine Mendoza Alden Richards

Alden nakiusap sa AlDub relasyon ni Maine kay Arjo irespeto

NAKIUSAP si Alden Richards sa fans nila ni Maine Mendoza na irespeto ang relasyon ng dating kapareha kayCong Arjo …

Jake Cuenca

Jake Cuenca nagkakasakit na sa dami ng trabaho

RATED Rni Rommel Gonzales NANININDIGAN si Jake Cuenca na loveless pa rin siya hanggang ngayon. Bida sina …