Friday , March 24 2023
arrest prison

P.8-M shabu sa Kankaloo
LIDER NG “JAMAL CRIMINAL GANG,” 2 PA KALABOSO

SWAK sa kulungan ang dalawang drug suspects, kabilang ang lider ng “Jamal Criminal Gang” matapos makuhaan ng mahigit P.8 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operations ng pulisya sa Caloocan City.

Sa ulat ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt. Col. Renato Castillo kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng DDEU ng impormasyon mula sa kanilang impormante na nagbebenta ng shabu si Muamar Abiden, 31 anyos, at isang high value individual (HVI) sa talaan ng mga awtoridad.

Dakong 6:30 pm, nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/SMSgt. Michael Tagubilin ang buy bust operation sa bahay ni Abiden sa Palon St., Brgy. 69, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer.

Nakompiska sa suspek ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P680,000, marked money na isang P500 bill at pitong pirasong P1,000 boodle money at pouch.

Sa Brgy., 176, Bagong Silang, nirespondehan ng mga operatiba ng Caloocan Police Intelligence Section sa pangunguna nina P/Maj. Rengie Deimos at P/Maj. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina, Jr., ang natanggap na impormasyon mula sa Barangay Information Network (BIN) na nagbebenta ng shabu ang lider ng “Jamal Criminal Gang” na si Jamaloden Assirong, alyas Jamal, 28 anyos, sa Phase 1, Package 1, Block 15, Lot 3.

Pagdating sa lugar, dakong 3:20 am, naaktohan ng mga pulis ang suspek na may inaabot na hinihinalang shabu sa isang lalaki na nakasuot ng surgical mask ngunit nang mapansin sila ay mabilis na nagpulasan ang dalawa kaya hinabol ng mga operatiba hanggang makorner si Jamal ngunit nakatakas ang isa.

Nakuha kay Jamal ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 20 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P136,000 at P510.00 cash.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …