


Kahapon, 2 Marso, umikot sa bayan ng Taal, San Luis, Lemery, at Balayan sa Batangas si dating Makati congressman at kasalukuyang kandidato para senador Monsour Del Rosario. Dinalaw ni Del Rosario ang palengke ng Cuenca, Batangas upang kumustahin ang mga negosyante at mamimili roon. Layon ni Del Rosario na matugunan ang mga pangangailangan ng magsasaka, mangingisda, atbp., sa Batangas at sa buong Filipinas sa pamamagitan ng pagtatag ng isang “agricultural council” na isusulong niya sa senado. Ang agricultural council ay isang espesyal na ahensiya ng gobyerno na nakatuon sa pamamahagi ng mga benepisyong pang-agrikultura. (BONG SON)