Friday , June 2 2023
Karlo Nograles CSC Civil Service Commission

Duterte admin maniniguro?
NOGRALES SA CSC HANGGANG 2029

ni ROSE NOVENARIO

ISANG balasahan ang napipintong maganap sa ilang opisyal ng Malacañang, tatlong buwan bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid sa mapagkakatiwalaang source, itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesman Karlo Nograles bilang bagong chairman ng Civil Service Commission (CSC).

Nabakante ang posisyong pinuno ng CSC matapos magretiro noong 2 Pebrero 2022 si Alicia dela Rosa-Bala nang matapos ang kanyang pitong-taong termino.

Si Bala ay itinalaga bilang CSC chairperson ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2015.

Ibig sabihin, si Nograles ay magsisilbing CSC chairman hanggang 2029.

Idinagdag ng source, si Communications Secretary Martin Andanar ang papalit kay Nograles bilang acting Presidential Spokesman.

Sa kabila nito, mananatili si Andanar bilang kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

About Rose Novenario

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …