Friday , June 2 2023
Dead body, feet

Dahil sa online sabong
VIETNAMESE NATIONAL NAGLASON

HINDI na kinaya ng isang Vietnamese national ang problemang idinulot ng pagkakautang nang malaki at mga asuntong gawa ng ‘online sabong’ kaya uminon ng silver cleaner upang tapusin ang sariling buhay sa Malabon City.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Mark Alcris Caco kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong 10:00 am ng 16 Pebrero 2022 nang madiskubre ni Romeo Castillo, Jr., 24 anyos, waiter ng Adante St., ang walang buhay na katawan ng biktimang si Nguyen Minh Luan, alyas Jomar Torres Chua, 35 anyos, negosyante, sa loob ng inuupahang apartment sa Brgy. Tañong.

Kaagad ini-report ni Castillo ang pangyayari sa Malabon Police Sub-Station 6 na nagresponde sa naturang lugar kung saan narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang madilaw na likido sa plastic cup na naglalaman ng umano’y silver cleaner.

Dakong 8:00 am ng nasabing petsa nang huling nakitang buhay ang biktima sa kanyang apartment ng saksing si Daisylyn Samonte, 29, vendor.

Sa panayam ni P/SSgt. Caco, sinabi ng isa pang saksi na si Gee kay Legaspi, 42 anyos, at teller ng Pitmaster online sabong na nagkaroon ng maraming utang ang biktima sa iba’t ibang personalidad dahil sa online sabong at problemado aniya dahil sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanya na nakabinbin sa Office of City Prosecutor ng Malabon. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …