Thursday , March 30 2023

2021 annual budget ng probinsiya
9 BOKAL NG QUEZON MAY AMBANG PLUNDER VS GOV. SUAREZ, et al

MAGHAHARAP ng kasong plunder o pandarambong ang siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon laban sa mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan sakaling ituloy ang pagpapalabas at paggamit sa 2021 Annual Budget ng probinsiya.

Ayon sa siyam na miyembro ng Sanggunian sa pangunguna ni Majority Leader Bokal Sonny Ubana, gagawin nila ang pagsasampa ng kaso sa hukuman laban kina Gov. Danilo Suarez at mga department heads ng kapitolyo sa oras na gamitin ang annual budget kahit hindi pa nareresolba sa hukuman ang usapin hinggil dito.

Matatandaan, ang panukalang 2021 Annual Budget ay hindi inaprobahan ng mga bumubuo ng Majority Bloc ng panlalawigang konseho dahil anila’y depektibo at kuwestiyonable.

Gayonman, kamakailan lamang ay inaprobahan din ito ng apat na Bokal na bumubuo ng Minority Bloc sa isang special session makaraang ang walong Bokal ay patawan ng suspensiyon ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Bilang reaksiyon, ang mga nasuspendeng Bokal ay nagharap ng petisyon sa husgado dahil sa anila’y ilegal na pagdaraos ng dalawang special session ng apat na Bokal at ng Vice Governor at ilegal na pag-aproba sa annual budget para sa 2021 at 2022.

Sa kabila nito, pinaninindigan ng gobernador na legal ang ginawa ng mga kaalyado niya sa konseho. Agad din siyang nag-anunsiyo sa publiko na itutuloy niya ang paggamit sa pondo at nangako sa mga kinauukulan na kanila itong mapapakinabangan sa lalong madaling panahon.

“Nasa pagpapasya ni Gov. Suarez kung itutuloy niya ang paggamit sa annual budget kahit nagsampa na kami ng petisyon sa mga hukuman upang linawin ang legalidad nito. Kung itutuloy niya, kami ng walo kong kasamahang Bokal sa Majority Bloc ay magsasampa ng kasong plunder laban sa kanya at sa kanyang mga department heads na susunod sa mga iuutos niya para ma-release at magamit ang budget,” wika ni Bokal Ubana.

Matatandaan, bukod sa anak ng gobernador na si dating Gov. Jayjay Suarez, ilang department heads sa kapitloyo ang nahaharap din sa mabibigat na kaso.

“Hindi namin gustong madamay sa mga kaso ang mga department heads ng kapitolyo ngunit kailangan namin gawin ang tama upang protektahan ang pondo ng lalawigan,” wika ni Ubana.

        Sa huling ulat, tahimik ang kampo ng mga inakusahan.  (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …