Tuesday , October 8 2024
Toni Gonzaga Alex Gonzaga The Exorsis

Toni at Alex Gonzaga movie na The ExorSis, hahataw sa box office sa MMFF

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

Toni at Alex Gonzaga movie na The ExorSis, hahataw sa box office sa MMFFTULOY ang annual Metro Manila Film Festival ngayong taon. Matatandaang last year ay online lang ito ipinalabas dahil sa matinding epekto ng Covid 19.

Inanunsiyo na nga kamakailan ang walong pelikulang pasok sa MMFF this year.

Kabilang dito ang A Hard Day, starring Dingdong Dantes at John Arcilla, directed by Lawrence Fajardo, mula Viva Communications, Inc.; Big Night na tinatampukan ni Christian Bables, directed by Jun Robles Lana ng Cignal Entertainment, Ideafirst Company, Octobertrain Films, at Quantum Films; Love At First Stream nina Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Kaori Oinuma, directed by Cathy Garcia-Molina at mula ABS CBN Films Productions, Kwentolabs, Inc.; Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine), starring Daniel Padilla at Charo Santos, mula Cinematografica, Plan C, House on Fire, etc.

Ang apat pang bumubuo sa eight entries ay ang Nelia na pinagbibidahan nina WynWyn Marquez, Raymond Bagatsing, Ali Forbes, buhat sa A and Q Production Films at sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan; Huwag Kang Lalabas starring Kim Chiu, Beauty Gonzales, Aiko Melendez, directed by Adolf Alix Jr.; The ExorSis na pinagbibidahan ng tandem nina Toni and Alex Gonzaga, directed by Fifth Solomon at hatid ng TinCan Films; Huling Ulan sa Tag-Araw, starring Ken Chan and Rita Daniela, directed by Louie Ignacio, mula Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista.

Kung mapapansin, maganda ang pagkakapili at balanse ang walong entries dahil iba’t ibang genres ito. Mayroong action-drama, comedy, romance-comedy, horror trilogy, drama, suspense drama, at comedy-horror.

Sa palagay ko, ang maglalaban sa number one position sa box office ay ang movie nina Toni at Alex na The ExorSis at ang trilogy na Huwag Kang Lalabas nina Kim, Beauty, at Aiko.

Ang nakarating kasi sa aking feedback, nakaka-aliw daw ang movie ng mag-utol na Toni at Alex, na sa teaser pa lang ay mae-excite ka na nang todo. Plus, sikat na sikat ngayon sina Alex at Toni sa social media, kaya may fan base talaga ang dalawa.

Ang trilogy naman nina Kim, Beauty, at Aiko ay isang matinding horror film and every year, alam naman nating ang horror genre ay patok sa MMFF, lalo na kung maganda ang casts nito at maganda ang pagkakagawa.

Bukod sa horror, ang isa pang patok sa December filmfest ay ang mga fantasy movie na tulad ng mga ginagawa nina Bossing Vic Sotto at Ramon ‘Bong’ Revilla, or even Vice Ganda.

But this yeasr, tila walang ganyang tema ng pelikula na mapanood sa MMFF.

Anyway, sa palagay naman namin ang maituturing na kabilang sa dark horse movie sa filmfest na ito na magsisimula sa darating na December 25 ay ang A Hard Day ni Dingdong dahil bukod sa certified A-lister ang actor, may dating ang pelikula niya. Plus, ang Love At First Stream, simply because si Direk Cathy ang nasa likod ng naturang pelikula. Ang isa pa na sa palagay namin na puwedeng ‘to pull off a surprise’, wika nga ay ang Christian Bables starrer na Big Night.

Pagdating naman sa awards, ang Daniel-Charo movie ay tiyak na lalaban sa iba pang entries.

Good news nga ang pagbabalik ng MMFF dahil last year, nang naging thru online lang ito available ay hindi masyadong kinagat ng publiko ang mga entry dito.

Bukod sa sabik na talagang manood ng pelikula ang maraming Pinoy, tunay na sabik na ngang lumabas ang maraming kababayan natin na ang iba ay almost two years na nag-self quarantine sa kanilang mga tahanan.  

Sana lang ay maipatupad nang maayos ang mga guidelines o alituntunin sa panonood ng sine, nang sa gayon ay magng safe, mas tangkilikin ng publiko ang MMFF, at mas mag-enjoy ang maraming movie aficionados, lalo yung mga kababayan nating gusto lang pansamantalang maglibang at makalimutan ang matinding epekto ng pandemic.

About Nonie Nicasio

Check Also

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney laging nakaalalay kay Vico, kasama sa pagpa-file ng COC 

I-FLEXni Jun Nardo ANG gandang tingnan nina Vic Sotto at Coney Reyes nang samahan ang anak na si Vico Sotto para …

Jesi Corcuera

Transman na dating sumali sa Starstruck buntis na

HATAWANni Ed de Leon TINGNAN ninyo, iyong transman na dating sumali sa StarStruck na babae at naging …

Elections

Politika showbiz na rin sa sandamakmak na artistang tatakbo

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG masyado na ngang showbiz ang politika sa ating bansa. Maging …

Pulang Araw

Pulang Araw tagilid, anyare? (produksiyon, kuwento maganda, artista sikat)

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT iyong kumakalat na tsismis na “on the red” na raw …

Mujigae Richard Quan a Alexa Ryrie Kim Ji-soo

Richard Quan, bilib sa co-stars na sina Alexa, Ryrie, at Kim Ji-soo sa pelikulang Mujigae

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HINDI kami nakapunta sa press conference ng pelikulang Mujigae, kaya …