Tuesday , October 8 2024
No Vaccine No Entry

Di-bakunado ban sa resto at resort — Duterte

IPAGBAWAL sa mga restaurant at resort ang mga taong hindi bakunado kontra CoVid-19 dahil banta sila sa public health.

Inihayag ito kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People.

“I support restaurants and all na delikado sa contamination sa public, you have my support, huwag mo sila pakainin. Sabihan mo sila na kung ayaw magpabakuna at hindi tinanggap sa ibang restaurant, doon lang kayo sa tabing-dagat,” aniya.

Nauna rito’y naglabas ng resolution ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF)  na nag-aatas sa lahat ng establisimiyento pribado man o publiko ay  kailangan bakunado ang lahat ng on-site workers  at ipatutupad muna sa mga lugar na may sapat na supply ng CoVid-19 vaccine.

Ang National Vaccines Operations Center ang tutukoy sa mga lugar na ito.

Ipatutupad simula sa 1 Disyembre 2021 ang “no vaccine, no work” policy at papayagan lamang ang mga empleyadong hindi bakunado kontra CoVid-19 pero sariling gastos nila ang regular RT-PCR o swab test. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Sa Pampanga
SIKAT NA ONLINE SELLERS TINAMBANGAN PATAY

HINDI nakaligtas sa kamatayanang mag-asawang kilalang online skin care sellers nang pagbabarilin sa bayan ng …

100724 Hataw Frontpage

Para muling ‘irespeto’
Ex-PRRD PINAYOHANG TUMAKBO SA SENADO

ni NIÑO ACLAN NANINIWALA si dating presidential adviser, Salvador Panelo na ‘maliit ang tingin’ ng …

dead gun

Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo …

Gun Fire

Hepe ng CDO police todas sa riding-in-tandem

PATAY ang hepe ng Cagayan de Oro CPO Station 2 nang barilin ng mga suspek …