Saturday , December 14 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Ginapang na kontrata, pinalusot sa ilalim ng ilong ni Briones

PANGIL
Tracy Cabrera
Education sector corruption erodes social trust, worsens inequality, and sabotages development.
— Anonymous
 
NALUSUTAN nga kaya ang ating butihing kalihim ng edukasyon o baka naman nabukulan?
 
Ito ang naitanong matapos mapabalitang may ilang alipores si Secretary Leonor Briones na nagpalusot ng mahigit isang bilyong pisong kontrata na ibinigay sa isang pipitsuging kompanya para sa paggawa ng learning module na gagamitin ng mga estudyante para sa school year 2021-2022.
 
Kung ako ang tatanungin, mukhang may katotohanan ang balita dahil nakita kong pipitsugin din ang ginagamit na mga module ng anak ko. Buklod dito, malaki ang posibilidad nito dahil naalala n’yo pa ba iyong lumabas na ilang mga pagkakamali sa mga materyales na nilimbag sa nakalipas para sa online o distance learning ng ating mga estudyante?
 
Ang totoo, may umaming DepEd insider at ating impormante na iginawad sa pipitsuging JC Palabay Enterprises ang tinutukoy nating kontrata at sa kabila ito na depektibo umano ang mga dokumentong isinumite ng kompanya sa Department of Education dahil sa pakikialam ng isang kongresistang nag-aambisyong maging Senador.
 
Batay sa dokumentong isinumite, ang JC Palabay Enterprises ay mayroong napakalinggit na net financial contracting capacity (NFCC) na hindi man lang umabot sa P100 milyon, pero kahit ganito ang kapasidad nito ay nakuha pa rin nito ang P1.1 bilyong halaga ng kontrata para sa third at fourth quarter ng papasok na school year.
 
Pagtatapat ng isang kawani ng kagawaran, nakuha aniyang palabasing kalipikado ang JC Palabay Enterprises gamit ang pinalobong NFCC at audited financial statement (AFS) na nagsasabing mayroon na itong P1.99 bilyon.
 
Anito, isang kongresista ang gumapang para makuha ng JC Palabay Enterprises ang nasabing kontrata sa kondisyong ipapasok ang kanyang pangalan sa mga kandidatong susuportahan ng ‘kapatiran’ para sa halalan sa susunod na taon.
 
Dagdag ng impormanteng kasalukuyang kawani ng DepEd, bahagi ng kanyang tungkulin ang magrebisa ng mga dokumentong isinusumite ng mga nagnanais lumahok sa bidding para sa mga kontrata ng mga proyekto sa nasabing ahensiya, matagal nang panahong sumasali sa bidding ang JC Palabay Enterprises ngunit hindi nananalo dahil hindi nga ito kalipikado, batay na rin sa kapasidad ng nasabing kompanya.
 
* * *
 
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
 
 

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *