Monday , December 9 2024

Kun Maupay Man It Panahon ni Daniel Padilla, may world premiere sa Locarno Film Festival

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG unang feature film ni Carlo Francisco Manatad na Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ay kabilang sa official selection ng 74th Locarno Film Festival sa Switzerland, na magkakaroon ng world premiere sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present) section.

Ang pelikula ang nag-iisang competing film mula sa Filipinas ngayong taon sa Locarno, isang A-List international film festival na nagsisilbing platform para sa auteur cinema. Ang Cineasti del Presente section para sa una o ikalawang feature film ng emerging global talents ay igagawad ang Pardo d’oro at award para sa directing pati na rin ang mga parangal para sa Best Actor at Best Actress.

Pinagbibidahan nina Daniel Padilla, Rans Rifol, at Charo Santos-Concio, ang drama tungkol sa pinsalang dulot ng Bagyong Yolanda (Haiyan) sa lungsod ng Tacloban sa Leyte ay nasa Waray na dialect. Tapos maminsala ang Yolanda noong Nobyembre 2013, hinahanap ni Miguel (Padilla) ang dalawang babae sa kanyang buhay: ang kaibigang si Andrea (Rifol) at nanay na si Norma (Charo).

Noong 2019, pinili ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Kun Maupay Man It Panahon para sa FDCP Project Market habang noong 2021, pinili ito ng FDCP Film Philippines Office upang tanggapin ang International Co-production Fund (ICOF) na may halagang PHP 2.5 million.

“We are tremendously proud of the journey of Kun Maupay Man It Panahon, which is a milestone in Philippine regional cinema. FDCP is honored to have supported Carlo Francisco Manatad’s journey from the development and production of this project until now when it’s ready to be shown to the world. We thank Locarno for giving it a world premiere and express our heartfelt gratitude to all international film labs, programs, and organizations for believing in and extending support to a Filipino regional film,” ani FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

Ang production companies sa likod nito ay Cinematografica, planc., iWantTFC, Globe Studios, Black Sheep, Quantum Films, and CMB Films mula sa Pilipinas, House on Fire mula sa France, AAND Company mula sa Singapore, KawanKawan Media mula sa Indonesia, at Weydemann Bros. mula sa Germany.

Ang Locarno Film Festival, na idaraos mula Agosto 4-14 ay nagpapalabas ng arthouse films mula noong 1946. Noong 2015, nagkaroon ng premiere ang short film ni Manatad na Junilyn Has sa Pardi di Domani section ng Locarno.

About Nonie Nicasio

Check Also

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Rufa Mae Quinto Boy Abunda

Rufa Mae iginiit ‘di nanghingi ng pera; Kuya Boy naalarma para sa alaga

MA at PAni Rommel Placente NAGLABAS ng official statement si Rufa Mae Quinto hinggil sa ibinabatong akusasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *