Wednesday , December 11 2024

Nationwide death squads pinalagan

ni ROSE NOVENARIO

PUMALAG ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang civilian groups at anti-crime volunteers para tumulong sa mga awtori­dad na labanan ang krimi­nalidad dahil magrere­sulta ito sa walang habas na patayan.

Sa kalatas ng KMP ay hinimok ang publiko na tutulan ang pakana ni Pangulong Duterte na gawing private army at death squads ang civic groups.

Naniniwala si KMP secretary-general Danilo Ramos na mas magdu­dulot ng kapahamakan kaysa kabutihan sa mga sibilyan ang pagbibigay ng armas sa civic groups.

Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Group and Force Multipliers sa Camp Crame kamakailan, sinabi ng Pangulo, ang pag-aarmas sa civilian volunteers ay maka­tutu­long sa paglaban sa krimen.

Binigyan diin ni Ramos, hindi katanggap-tanggap at dapat kontra­hin ang suhestiyon ng Pangulo dahil magpa­palawak lamang ito sa crimes against humanity ng rehimeng Duterte.

Malinaw aniya na halos 30,000 ang napas­lang sa Oplan Tokhang ng pulisya at nagpapatuloy ang patayan na ikinukubli sa likod ng joint police and military operations laban sa illegal firearms and explosives.

“Arming civic groups and so-called force multipliers will only expand the Duterte regime’s crimes against humanity,” sabi ni Ramos.

Hindi sang-ayon ang Commission on Human Rights sa suhestiyong armasan ang mga sibilyan at sapat na ang bilang ng mga pulis para sa kam­panya kontra kriminali­dad.

“The PNP is more than enough,” sabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia.

“Arming civilians without proper training, qualification, and clear lines of accountabilities may lead to lawlessness and proliferation of arms, which may further negatively impact the human rights situation in the country,” dagdag ng tagapagsalita ng CHR.

Matatandaan, naging pamoso si Pangulong Duterte bilang tagapag­kanlong umano ng death squads sa Davao City noong alkalde ng lungsod sa loob ng mahigit 20 taon.

Nahaharap si Pangu­long Duterte sa reklamong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) bunsod ng mga patayan sa isinu­sulong na drug war ng kanyang administrasyon.

Kombinsido si Atty. Ruben Carranza, isang senior expert sa New York-based International Center for Transitional Justice na ang mga pahayag ni Pangulong Duterte hinggil sa kagus­tuhang patayin ang mga sangkot sa illegal drugs ay maaaring maging ebidensiya laban sa kanya sa imbestiga­syon ng ICC sa drug war killings.

Bagama’t mahahala­gang ebidensiya aniya sa alinmang criminal trial ang forensic physical evidence at eyewitness accounts, mahalagang bahagi sa kaso sa ICC ang puwang na nag-uugnay sa mga pumatay sa nag-utos o hinayaan ang patayan.

“Forensic physical evidence is important but eyewitness accounts are just as important but even beyond those two type of evidence in any criminal trial, there is an important part in ICC’s case that should be taken into account, that is the gap between the direct perpetrators. Those who actually committed the killings and indirect co-perpetrators, those who ordered or enabled the killings,” sabi ni Carranza sa programang The Chiefs sa One News.

Giit niya, ang nasabing agwat ay isa sa pinaka­mahalagang puwang na nangangailangan ng masusing pag-aanalisa ngunit maaaring natugu­nan sa mga naging pahayag ni Pangulong Duterte, batay sa 57-pahinang request for judicial authorization to proceed with [a formal criminal] investigation na inihain ni outgoing chief prosecutor Fatou Bensouda sa ICC.

About Rose Novenario

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *