ni ROSE NOVENARIO
PARA sa political analyst na si Atty. Tony La Viña, walang malalabag na probisyon sa Saligang Batas sakaling kumandidatong bise presidente si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Aniya, ginawa ito ng dalawang dating Pangulo ng bansa.
Unang nangyari ito, nang kumandidatong kongresista si Gloria Macapagal-Arroyo para sa May 2010 elections bilang papaalis na Punong Ehekutibo; at Joseph Estrada na naging Manila mayoralty bet noong 2013 elections, 12 taon matapos patalsikin sa Malacañang ng People Power 2 Revolution.
Binigyan diin ni La Viña sa panayam sa News5, ibang usapan na, kapag nanalong VP si Duterte, at biglang bumaba sa puwesto ang nagwaging Pangulo kapag nagkasakit o hindi na kayang gampanan ang kanyang tungkulin.
Ayon kay Dennis Coronacion, isa rin political analyst, ang tinitingnan nilang probisyon sa Saligang Batas ay ang restriksiyon na kapag naging presidente na ay puwede pa bang maging presidente ulit?
“Ang sabi kasi sa Konstitusyon, once ka lang puwedeng maging president,” aniya sa News5 kahapon.
Sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go, mangyayari lamang ang VP bid ni Duterte kapag ‘kasamahan’ niya ang maging Pangulo.
“Importante po rito ay kasamahan niya, kasundo niya,” ani Go.
Si Go ay long-time aide ni Pangulong Duterte, miyembro ng PDP-Laban at isa sa mga lumutang ang pangalan na posibleng maging presidential bet ng administrasyon bukod kay presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.
Check Also
Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene
I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …
VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven
NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …
Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay
INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …
Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian
PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …
Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe
HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …