Friday , April 25 2025

Duterte kinampihan si Cusi vs Pacquiao

ni ROSE NOVENARIO

KINAMPIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang itinakdang executive council meeting ng ruling political party PDP-Laban sa kabila ng pagkontra ni acting president Senator Manny Pacquiao.

Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na inatasan ni Pangulong Duterte, bilang chairman ng PDP – Laban, si Energy Secretary Alfonso Cusi, vice chairman ng partido, na iorganisa at panguna­han ang pagdaraos ng council meeting.

“Energy Secretary Alfonso Cusi as Vice Chairman of the ruling party PDP-Laban was directed by President Rodrigo Roa Duterte, who serves as Chairman, to organize, convene and preside over the council meeting,” ayon kay Roque.

“This move, which is part of the democratic exercise, aims to consult party members and have fruitful and productive exchanges on issues affecting PDP-Laban,” dagdag niya.

Ilang political observers ang nagulat sa pahayag ng Pangulo lalo na’t ilang araw pa lamang ang nakalipas mula nang sabihin ni Cusi na rerepa­sohin ng Department of Energy (DOE) ang kontrata sa pagbili ni Duterte crony at Davao City based businessman Dennis Uy sa 45% shares ng Shell Philippines Exploration (SPEX) para sa operating interest ng Malampaya Gas Field sa Palawan.

Kapag pumasa sa review ng DOE ang kontra­ta ay magiging hawak ng Udena Corporation ni Uy ang 90% operating interest sa Malampaya, 45% stake ng SPEX at 45% interest ng Chevron Malampaya LLC’s sa gas field na binili ng negosyante noong 2019.

Kaugnay nito, nag­pasya si Pacquiao na iboykot ang pulong ngayon at magpapa­tawag ng hiwalay na council meeting sa Setyembre, sabi ni Ron Munsayac na tagapag­salita ng senador.

Nauna rito, naglabas ng memorandum si Pacquiao na inutusan ang mga miyembro ng PDP-Laban na balewalain ang ipinatawag na national assembly ni Cusi ngayon.

Noong nakaraang Marso ay kinastigo ni Pacquiao si Cusi sa paghahati sa partido nang isulong ang pagtak­bo ni Pangulong Duterte bilang bise-presidente sa 2022 national elections.

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *