TILA dagok at magiging miserable ang katayuan ng isang bilanggo na nabatid na pinaghahanap ng batas nang arestohin ng mga awtoridad nang matunton sa kasalukuyang seldang kinapiitan niya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Martes, 18 Mayo sa Brgy. San Matias, bayan ng Guagua, lalawigan ng Pampanga.
Kinilala ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, ang suspek na si Randy Santos, 35 anyos, may asawa, itinuturing na most wanted ng Guagua, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Pulungmasle, sa naturang bayan, at nakapiit sa BJMP custodial facility dito.
Base sa report, makaraang makompirma ang kinalalagyan ni Santos, nagsagawa ng manhunt operation ang mga kagawad ng Guagua Municipal Police Station, 1st PMFC PIU PIDMB Pampanga PPO, 302nd RMFB3, at isinilbi ang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong rape na nilagdaan ni Presiding Judge Meredith Delos Santos-Malig, ng Guagua Regional Trial Court Branch 51. Walang inirekomendang piyansa sa pansamantalang paglaya ng suspek. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Walang politika sa pagtulong sa mga kababayan nating nasunugan — Revilla
NANAWAGAN si Senador Ramon Revilla, Jr., kasama ang kanyang kabiyak na si Congresswoman Lani Mercado …
Bardagulan sa panghapong show ng GMA patok
RATED Rni Rommel Gonzales NAGSIMULANG magningning ang mga hapon ng Kapuso viewer nitong Lunes (September …
Sylvia araw-araw tsine-tsek si Ria
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KABUWANAN na ni Rita Atayde kaya naman si Sylvia Sanchez, …
From Marikina to Ilocos Norte’s first leather success with DOST 1
IN the culturally vibrant province of Ilocos Norte, a remarkable story of entrepreneurial achievement has …
SM Supermalls kicks off 100 Days of Christmas as a Santa to their Community
SM Supermalls is ringing in the holiday spirit with its 100 Days of Joy countdown, …