Sunday , April 20 2025
MAKIKITA sa larawan ang ilan sa mga sanggol na iniligtas ng mga doktor at nurses sa nasusunog na palapag ng Philippine General Hospital (PGH) nitong Linggo ng madaling araw. Isa sa mga nailigtas na sanggol ay inoperahan sa puso. Sa kabila ng walang pahingang paglilingkod, hindi pinanghinaan ng loob ang medical frontliners sa nangungunang pampublikong ospital sa bansa. Larawan mula sa Heart Response/Fire and Rescue Alert Responders #PGH #NowYouKnow #NYK.

Bayanihan para sa PGH (Panawagan ng bayan)

NANAWAGAN ang iba’t ibang personalidad at organisasyon, maging ang Malacañang, sa publiko para magpadala ng tulong sa University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) na nasunog ang isang bahagi ng main building sa Taft Ave., Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ikinalungkot ng Palasyo ang naganap na sunog sa UP-PGH ngunit tiniyak na tuloy ang operasyon ng pagamutan kahit kinu­kum­puni ang napinsalang bahagi ng gusali.

Nagpasalamat ang Malacañang sa mabilis na pagtugon ng mga mamamayan sa panawagang Bayanihan para sa PGH o pagbibigay ng emergency donations sa ospital.

“We thank our people for immediately responding to the call for emergency donations of the PGH.  Big or small, cash or in kind, these acts of kindness and generosity would be of great help and assistance to those who are in need.  Kindly send them to the official fundraising groups of the state-run hospital,” ani Roque sa isang kalatas kahapon.

Kaugnay nito, inilahad ni Kathrina Bianca Macababbad, isang nurse sa PGH – Neonatal Intensive Care Unit (NICU), sa kanyang Facebook post ang kanyang naging karanasan sa paglilikas ng mga pasyenteng sanggol sa kasagsagan ng sunog sa pagamutan.

Tinawag niya itong ‘Longest night shift duty!’ dahil tila naging super hero silang dalawa ng kapwa nurse na si Jomar Mallari na limang beses nag-akyat manaog sa ikaapat na palapag ng PGH hanggang sa open area upang ilikas ang 35 pasyente nilang sanggol sa kasagsagan ng sunog sa ikatlong palapag.

“Enjoy na enjoy pa akong nagpapaligo ng mga baby loves (patients) ko nang biglang may nagbukas ng pinto ko at sabi ay mag-prepare nang mag-evacuate dahil may sunog,” sabi ni Macababbad.

Nagsimula ang sunog sa operating room sterilization area sa ikatlong palapag.

“Ventilator dependent ang lima sa anim na patients ko, isa lang ang naka-room air. Nakaiiyak na habang bitbit ko ‘yung mga kayang huminga mag-isa, maiiwan ‘yung mga naka-intubate at ventilator,” aniya.

“Pagdating sa open area sa baba, ewan ko kung ano sumapi sa amin ni Jomar Mallari at bumalik kami sa taas para ma-evacuate din ‘yung ibang baby na naka- ventilator. Nag-ambu bag while carrying the baby ang scenario. Nakapag-shopping  rin ako ng emergency equipments (pang intubate, ambubag, ETs, oxygen cannula, emergency meds, pang swaddle ng baby, IV fluids, syringes) pinagkasya ko lahat sa ecobag na bitbit ko.”

Nang maputol aniya ang supply ng koryente ay kinailangan ilikas na rin patungong open area ang intubated patients.

“Sa pang-limang akyat-baba namin sa 4th floor NICU, namatay na ang pipe in oxygen at koyente kaya naman even intubated patients, binaba na rin namin. Thank you Lord for the unwavering strength and courage!!! Di ko alam kung saan nanggaling iyon pero wala akong naramdamang takot sa dibdib ko,” aniya.

Lahat aniya ng 35 NICU babies, kasama ang kritikal ang kondisyon at intubated ay nailikas at tiniyak nila may baby tag ang bawat isa pati ang crib tag ay idinikit nila sa lampin upang maiwasang magkapalit ang mga sanggol.

“35/35 NICU babies including critical and intubated were saved! Thank you Lord! Thank you sa lahat ng doctors, nurses, NAs, UW, security guard, RTs and firemen! P.S. We made sure na lahat ng babies ay may baby tags. Pati crib tag dinikit namin sa diapers nila to avoid baby switching,” wika ni Macababbad.

Batay sa ulat, ilang minutong idineklarang fireout ang sunog sa PGH ay nanawagan si Vice President Leni Robredo para sa donasyong industrial fan upang makatulong sa pagpawi ng makapal na usok matapos maapula ng mga bombero ang apoy.

Ilang artista rin ang hinimok ang kanilang fans na magpadala ng ayuda sa PGH gaya nina Karla Estrada, Anne Curtis, at Heart Evangelista.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *