NCR plus balik GCQ
INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na isailalim sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.
Paiiralin din ang GCQ sa Cordillera Administrative Region na sakop ang mga lalawigan ng Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province at Abra.
Gayondin sa Regio 2 na sakop ang Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya; Region 4-A sa Batangas at Quezon; Region 4-B sa Puerto Princesa; Region 10 sa Iligan City; Region 11 sa Davao City at BARMM sa Lanao del Sur.
Modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Region 2 sa City of Santiago sa Isabela at sa lalawigan ng Quirino; sa CAR sa probinsiya ng Ifugao at Region 9 sa Zamboanga City.
Maliban sa mga nabanggit na lugar, ang iba pang lugar sa buong bansa ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Iniulat ni vaccine czar Carlito Galvez na inaasahang magkakaroon ng herd immunity sa Filipinas bago ang darating na Pasko bunsod ng tuluy-tuloy na pagdating ng bakuna sa bansa. (ROSE NOVENARIO)