PUNTIRYA ni dating Senador Antonio Trillanes IV na maging susunod na presidente ng Filipinas pagbaba sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Ayon kay Trillanes, nais niyang maging standard bearer ng opposition coalition 1SAMBAYAN bilang kapalit ni Vice President Leni Robredo sa 2022 elections.
Nagpasya si Trillanes at ang Magdalo Group na sabihin sa 1SAMBAYAN ang balak na maging principal candidate mula sa alternate candidate ni Robredo sa pagka-Pangulo at lumahok sa nominasyon ng koalisyon.
Ani Trillanes, mahalaga ang nasabing hakbang para makasama sa selection process ng 1SAMBAYAN.
“Just to be clear, I am not dividing the opposition as there will only be one unified slate to be nominated by 1SAMBAYAN, and both VP Leni and myself have committed to support and campaign for its nominees,” sabi ni Trillanes sa kanyang Facebook post.
Tiniyak ng dating senador na aatras siya kapag nagpasya si Robredo na sumali sa 2022 presidential derby.
Habang hindi pa aniya malinaw ang political plan ni Robredo ay ihahanda na ni Trillanes ang kanyang magiging patakaran tungkol sa CoVid-19 crisis, economic recovery, West Philippine Sea, at iba pa.
“As I often stressed, the 2022 elections would be the most important elections in our nation’s history after 1986. Not only our Democracy is at stake, our very survival as a country is at stake, too,” aniya.
Giit ni Trillanes, hindi na kakayanin ng bansa na pamunuan pa ng isang Duterte sa susunod na anim na taon.
Si presidential daughter at Davao City Mayo Sara Duterte-Carpio ang nanguna umano sa ilang survey bilang pinili ng mga Pinoy na presidential candidate sa susunod na taon. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Walang politika sa pagtulong sa mga kababayan nating nasunugan — Revilla
NANAWAGAN si Senador Ramon Revilla, Jr., kasama ang kanyang kabiyak na si Congresswoman Lani Mercado …
Bardagulan sa panghapong show ng GMA patok
RATED Rni Rommel Gonzales NAGSIMULANG magningning ang mga hapon ng Kapuso viewer nitong Lunes (September …
Sylvia araw-araw tsine-tsek si Ria
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KABUWANAN na ni Rita Atayde kaya naman si Sylvia Sanchez, …
From Marikina to Ilocos Norte’s first leather success with DOST 1
IN the culturally vibrant province of Ilocos Norte, a remarkable story of entrepreneurial achievement has …
SM Supermalls kicks off 100 Days of Christmas as a Santa to their Community
SM Supermalls is ringing in the holiday spirit with its 100 Days of Joy countdown, …