Tuesday , April 29 2025

3, 200 pasaway walang suot na facemasks, face shields huli sa ‘one time, big time’ ops sa QC

UMABOT sa 3,200 violators sa health protocols ang nadakma sa pinagsanib na one-time, big-time operations ng mga operatiba ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Quezon City Police District (QCPD), Task Force on Transport and Traffic Management, Task Force Disiplina, at Market Development and Administration Department sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng tanghali.
 
Sa report, isinagawa ang operasyon sa 142 barangays, at ang mga naaresto ay dinala sa Quezon Memorial Circle para sa dokumentasyon at tinuruan kung paano susundin ang ipinatutupad na ordinansa sa minimum health protocols ng GC LGU.
 
Bukod dito, inisyuhan din ang mga nadakip ng Ordinance Violation Receipts (OVR) na may katumbas na penalty na P300, P500, at P1,000 para sa una, ikalawa at ikatlong paglabag.
 
Ang violators ay kailangang magbayad sa itinakdang petsa, at kapag nabigo ay sasampahan ng kaso sa City Prosecutors Office.
 
Sinabi ni DPOS head ret. Gen. Elmo San Diego, tiniyak na ligtas ang kanilang operasyon at ang mga naarestong may sintomas ng ubo, sipon, nilalagnat at nahihirapan sa paghinga ay isinailalim sa swab testing, habang ang iba naman ay binigyan ng facemasks at face shields.
 
“Ginawa na natin itong ‘One Time Big Time’ noong nakaraang buwan, at gagawin pa rin natin ngayon. Hindi tayo titigil hangga’t marami pang pasaway na hindi sumusunod sa ating local ordinances on health protocols,” paliwanag ng DPOS chief.
 
“Ikinasa itong One Time Big Time operations sapagkat marami pa rin ang hindi sumusunod sa health protocols. Gayonman, ipatutupad pa rin natin ang maximum tolerance at ang mga mahuhuling lumabag ay bibigyan ng ticket,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.
 
Kamakailan, namahagi ang QC LGU ng 1.2M facemasks at 300k face shields sa indigent residents na layuning maiwasan ang mga paglabag sa ipinatutupad na mga ordinansa sa lungsod. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Alynna Velasquez Hajji Alejandro

Alynna ‘di nasaksihan lamay, libing ni Hajji

I-FLEXni Jun Nardo ANG labi na lang ng OPM icon na si Hajji Alejandro ang hindi pa …

Michael Sager Jillian Ward

Jillian idinepensa pagka-evict ni Michael sa Bahay ni Kuya 

I-FLEXni Jun Nardo MAIKSI ang buhay nina Michael Sager at Emilio Daez sa Bahay ni Kuya. Silang dalawa ang …

Cristine Reyes Marco Gumabao

Ogie isiniwalat Cristine-Marco hiwalay na

MA at PAni Rommel Placente SA latest episode ng kanyang vlog na Showbiz Update, ibinahagi ni Ogie …

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Junell Hernando Nora Aunor Christopher De Leon

Dating child actor masuwerte na nakatrabaho si Ate Guy

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ng dating child actor at isa sa bumida sa mga pelikulang  Magic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *