NALAMBAT ang 11 indibidwal na hinihinalang pawang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga at pagmamantina ng drug den sa serye ng pagsalakay sa dalawang drug den nitong Martes ng gabi, 11 Mayo, ng mga kagawad ng PDEA3 sa pakikipag-ugnayan sa Angeles City PNP, sa Brgy. Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.
Kinilala ni PDEA3 Director Christian Frivaldo ang mga suspek na nalambat sa unang operasyon na sina Reynan Ombal, 21 anyos; Adonis Gregorio,21 anyos; Catherine Valdivia, 39 anyos; Patricia Samper, 25 anyos; at Raymund Del Rosario, kapwa mga residente sa nabanggit na lugar.
Nakompiska mula sa mga suspek ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000; 20 gramo ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana na nagkakalahalaga ng P24,000; iba’t ibang drug paraphernalia, at marked money na ginamit sa operasyon.
Samantala, dinakma sa ikalawang pagsalakay ng mga operatiba sina Jose Howell, 45 anyos; Edwin Gozon, 31 anyos; Danica Jardinel, 23 anyos; August Natividad, 33 anyos; Richard Lampaniso, 24 anyos; at Lito Gonda, 21 anyos.
Nakuha ng mga awtoridad sa mga suspek ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000, iba’t ibang drug paraphernalia, at marked money na ipinain sa mga suspek.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga nakapiit na mga suspek. (RAUL SUSCANO)
Check Also
70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China
MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …
Sa Sarangani
1,000 PAMILYANG KAPOS INAYUDAHAN NG DSWD
NASA 1,000 pamilyang mahihirap na residente sa Alabel, Sarangani ang binigyan ng ayuda ng Department …
1,000 TODA members tumanggap ng relief packs at ayudang pinansiyal mula sa DSWD at kay Senator Lapid
NASA 1,000 tricycle drivers ang nabigyan ng family food packs mula sa Department of Social …
DAVAO SUR EX-MAYOR NAIS PAIMBESTIGAHAN NI SEN. TULFO SA DILG
1,200 Chinese nationals may Filipino birth certificates
PINAIIMBESTIGAHAN at pinasasampahan ni Senator Raffy Tulfo sa Department of the Interior and Local Government …
VP SARA PUWEDENG MA-IMPEACH — MAZA
Sagot ni Panelo: Basehan malabo
INAMIN ni dating Gabriela Party-list representative at co-chairperson ng Makabayan Coalition Liza Maza na pinag-aaralan …