Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rie Cervantes, proud kina Cloe at Marco sa pelikulang Silab

SECOND movie na ni Rie Cervantes ang pelikulang Silab na pinagbibidahan nina Cloe Barreto at Marco Gomez.

Ginanap last Saturday ang preview ng pelikula at pinuri ang ganda nito, ang galing ni Direk Joel Lamangan, at ng mga artista nito, sa pangunguna nina Cloe at Marco.

Ano ang role niya sa Silab na hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo? ”Ako po ‘yung asawa rito ni Rod (Marco),” saad ni Rie na member ng Belladonnas.

Ipinahayag ni Rie na very proud siya kina Cloe at Marco na ngayon ay bida na sa pelikula. Aniya, “Very proud po ako sa kanila, lalo na’t magka­kasama kami nang ilang years. It feels good seeing them succeed and reach their dreams. Kaya everytime po na may posts or promotion na related sa kanila, sini-share ko po always.”

Anong klaseng experience sa kanya na maidirek ng isang Joel Lamangan?

Lahad niya, “Sobrang nakaka-pressure po kasi siyempre, Direk Joel Lamangan, isa po sa pinakamagaling at kilalang direktor. Sobrang karangalan po na makasama ako sa film na na idinirek niya.”

Aminado rin siyang sobrang kinabahan kay Direk Joel. “Sobra po hahaha! Kasi, ‘yung aura niya po during shoot, nakaka-intimidate. ‘Yung tipong isang mali mo lang, iiyak ka na, ganoon! Hahahaha! Pero okay naman po, hindi naman po ako napagalitan,” nakangiting tugon pa ni Rie.

Tampok din sa Silab sina Jason Abalos, Marco Gomez, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Christine Bermas, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kiray hihinto muna sa pag-aartista, tutukan nalalapit na kasal at negosyo

MATABILni John Fontanilla PANSAMANTALANG hihinto muna sa pag-aartista si Kiray Celis para mag-focus sa kanyang negosyo, ang …

Nadine Lustre Sierra Madre

Nadine trending sa mala-Sierra Madre photo shoot

MATABILni John Fontanilla VIRAL ngayon sa social media ang mga litrato ni Nadine Lustre na inihahalintulad ito …

Miguel Tanfelix FIberBlaze internet

Miguel nahihilig sa solo backpacker

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOLO backpacker ang peg ni Miguel Tanfelix ngayong ini-enjoy niya ang pag-aabroad. “Mas …

NCCA National Artists

Vilmanian may panawagan sa NCCA 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BINIGYAN kami ng kopya ng mga kapwa Vilmanian ng naging sulat-panawagan nila sa NCCA at CCP …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …