2 puganteng rapist nakorner sa CL Manhunt Charlie
HINDI na nakaporma at tuluyan nang sumama nang mahinahon ang dalawang puganteng suspek na may mga kasong rape at kabilang sa top most wanted persons, nang dakmain ng mga awtoridad sa pinaiigting na kampanya ng Manhunt Charlie ng Central Luzon PNP nitong Linggo, 25 Abril.
Sa lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, nahuli ng mga operatiba ng Gapan City Municipal Police Station at CIDG PFU NE ang suspek na kinilalang taga-Brgy. Mahipon, ng nasabing lungsod, top 3 most wanted ng Gapan, sa bisa ng alias warrant of arrest sa kasong rape at acts of lasciviousness, na nilagdaan ni Presiding Judge Elenita Evangelista-Casipit ng Gapan City RTC Branch 36, walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Samantala, inihain ng mga kagawad ng Victoria Municipal Police Station ng Tarlac ang alias warrant of arrest sa suspek na kinilalang si Jerome Albaniel, 18 anyos, binata, nakatira sa Brgy. Cruz, ng nasabing bayan, numero uno sa listahan ng mga most wanted sa Victoria, sa kasong aggravated rape na nilagdaan ni Presiding Judge Joefferson Toribio, Tarlac City Family Court Branch 2, walang inirekomendang piyansa sa suspek.
“The entire Central Luzon police together with the other police units continues its intensified campaign to put lawless elements and wanted persons behind bars and maximizes its efforts to eradicate all forms of lawlessness in the region,” pahayag ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon. (RAUL SUSCANO)