Wednesday , September 11 2024

HVI pusher tiklo sa P.68-M droga sa anti-narcotics ops

TINATAYANG nasa P680,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nakompiska mula sa nadakip na suspek sa inilatag na anti-narcotics operation ng PDEU, PIU Pampanga PPO, at Mabalacat City Police Station, nitong Martes, 13 Abril, sa Brgy. Mabical, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, base sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, ang suspek na si Alvin Guibo, alyas Alvin, 38 anyos, may asawa, kabilang sa listahan ng mga High Value Individual (HVI), residente ng Purok 1, Maluyos, Bical, sa nabanggit na lungsod.

Nakompiska mula sa suspek ang pitong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na 100 gramo at nagkakahalaga ng P680,000, isang cellphone, at P1,000 marked money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kostudiya ng mga naatasang raiding team. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *