Monday , September 9 2024

‘SENADO’ binansagang komunista ng NICA chief (Unyon ng mga empleyado pumalag)

PUMALAG ang apat na senador mula oposisyon laban sa pag-aakusa ng top spook sa unyon ng mga kawani at manggagawa sa Senado bilang prente umano ng mga rebeldeng komunista.

Mariing kinondena kahapon nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, at senators Risa Hontiveros, Leila de Lima at Francis Pangilinan ang red-tagging sa Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organi­sasyon (SENADO) ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) director General Alex Paul Monteagudo.

Sinabi ni Monteagudo sa Facebook post na nagsisilbing “eyes and ears”  ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) para i-hijack ang mga plano at programa ng gobyerno.

“Hindi lang ito pag-atake at paninira nang walang batayan sa mga empleyado, kundi mismong sa institusyon ng Senado na kanilang kinakatawan,” ani Drilon.

Binigyan diin ng apat na senador na hindi dapat balewalain ang mga malisyosong pag-atake sa mga empleyado ng Senado at nanawagan silang muli na ideklarang krimen ang red-tagging.

“We believe that the passage of this bill will serve as a deterrent against red-tagging. We should punish irresponsible officials who act as enablers of red-tagging,” anila.

Giit ng minority bloc, ang SENADO ay isang lehitimong unyon na nagsusulong ng interes at kapakanan ng mga empleyado ng Senado at hindi ng ibang grupo.

Sa pamamagitan ng SENADO ay naidaraos ang kolektibong negosa­syon ng mga empleyado sa liderato ng Mataas na Kapulungan.

Si Drilon ang naghain ng panukalang batas na may layuning ideklarang krimen ang red-tagging.

Batay sa 2012 study ng International Peace Observers Network (IPON) Philippines, isang non-profit human rights organization na nakabase sa Hamburg, Germany, maaaring humantong sa warrantless arrests, torture, enforced disappearances, o extrajudicial killings ang red-tagging.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Philippines to Hong Kong HK, Plane Flight Path

70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China

MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …

Lito Lapid Sarangani

Sa Sarangani
1,000 PAMILYANG KAPOS INAYUDAHAN NG DSWD

NASA 1,000 pamilyang mahihirap na residente sa Alabel, Sarangani ang binigyan ng ayuda ng Department …

Lito Lapid TODA

1,000 TODA members tumanggap ng relief packs at ayudang pinansiyal mula sa DSWD at kay Senator Lapid

NASA 1,000 tricycle drivers ang nabigyan ng family food packs mula sa Department of Social …

Raffy Tulfo

DAVAO SUR EX-MAYOR NAIS PAIMBESTIGAHAN NI SEN. TULFO SA DILG  
1,200 Chinese nationals may Filipino birth certificates

PINAIIMBESTIGAHAN at pinasasampahan ni Senator Raffy Tulfo sa Department of the Interior and Local Government …

Liza Maza Sara Duterte Salvador Panelo

VP SARA PUWEDENG MA-IMPEACH — MAZA
Sagot ni Panelo: Basehan malabo

INAMIN ni dating Gabriela Party-list representative at co-chairperson ng Makabayan Coalition Liza Maza na pinag-aaralan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *