Wednesday , October 9 2024
Martin Andanar PCOO

Andanar no-show sa inagurasyon ng Mindanao Media Hub

NO-SHOW si Communications Secretary Martin Andanar sa inagurasyon ng P700-M Mindanao Media Hub facility sa Davao City kahapon na pinangunahan ni Mayor Sara Duterte-Carpio.

Napag-alaman sa source, ang alam ng lahat ay nasa Davao City si Andanar noon pang isang araw kaya nagulat sila nang hindi siya sumipot sa mismong araw ng inagurasyon.

Nabatid, isang video message ang ipinadala ni Andanar para sa inauguration program.

Nagulat umano ang ilang taga-Davao City dahil kahit nasa siyudad na ang Kalihim ay nakatanggap sila ng impormasyon na naghahanap siya ng masasakyang chopper o eroplano para magpunta sa Tacloban, Leyte upang dumalo sa nakatakdang presidential event doon.

“Ipinagmamalaki niya ang proyektong ito bilang legacy ng Duterte administration pero ang mismong inagurasyon ay kanyang inindiyan,” sabi ng source.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Aileen Claire Olivarez ACO

Nakukulangan sa aksiyon ni mister,
MISIS NAGHAIN NG KANDIDATURA PARA ALKALDE NG PARAÑAQUE

IT’S women’s world too!          Tila ito ang binigyang diin ng paghahain ng certificate of …

Lani Cayetano

Taguig incumbent mayor naghain ng kandidatura para sa dating posisyon

SABAY-SABAY na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang Team TLC sa pangunguna ni …

Bong Revilla Jr Lani Mercado Inah Revilla

Bong naghain na ng COC, sinamahan ng anak na abogada

TIYAK na ang muling pagkandidato ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. para sa 2025 midterm elections matapos …

Emmanuel Ledesma Jr PhilHealth

Huwag matakot sa gastos sa sakit, sagot ka ng PhilHealth — Ledesma

HATAW News Team SA PANAHON ng mga hamon ng kalusugan, ang PhilHealth ay nananatiling kaagapay …

Bulacan pinarangalan sa 10th Central Luzon Excellence Awards for Health

Patunay sa mahusay na serbisyong pangkalusugan
BULACAN PINARANGALAN SA 10th CENTRAL LUZON EXCELLENCE AWARDS FOR HEALTH

MULING napatunayang de-kalidad ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ng lalawigan ng Bulacan makaraang gawaran ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *