Wednesday , October 9 2024

Duterte, PGH health workers, ayaw magpaturok ng Sinovac

ni ROSE NOVENARIO

AYAW magpaturok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng CoVid-19 vaccine na gawa ng Sinovac kahit sinalubong pa niya ang 600,000 doses nito mula sa China kahapon.

Idinahilan ng Pangulo na batay sa payo ng kanyang doctor, hindi angkop sa kanya ang Sinovac vaccine.

“Kami ‘yong mga 70 we have to be careful. Ako naman may doktor ako sarili. She thinks that another brand, I will not mention it, iyon na lang ang hinihintay ko — sabi niya hinihintay niya — hinihintay ko, sabi niya,” aniya sa panayam ng media kahapon.

“But I cannot just out of the box vaccine simply because I have to take care of my age. I will be 77 next year, next month. E ‘yong 70 nga pinagsasabihan na… Baka hindi ako aabot,” dagdag niya.

Tiniyak ng Pangulo ang kanyang kahandaan na mabakunahan kontra CoVid-19 dahil kailangan niya ng proteksiyon sa pagpunta sa iba’t ibang lugar at pakikisalamuha sa mga tao ngunit kaila­ngan niyang maghintay brand na angkop sa kanya.

Mistulang kinom­pirma ng Pangulo ang rebelasyon ni Special Envoy to China at Manila Times columnist Ramon Tulfo na nakipag-usap siya sa kinatawan ng Sinopharm sa bansa para manghingi ng donasyong CoVid-19 vaccine para sa kanyang pamilya at mga miyembro ng kanyang gabinete.

“Magsabay-sabay kami pagdating. Iyong… Hinihintay lang natin ‘yong ano. Ako, naghingi ako personal. Wala silang stock na ano e. Naghingi ako para sa pamilya ko pati sa akin pati ‘yong… I don’t know if we would have enough vaccines for everybody. But I think I can accommodate the — itong Cabinet members,” aniya.

Isiniwalat ni Tulfo kamakailan  na saksi siya nang kausapin ng Pangulo sa kanyang cell phone ang kinatawan ng Sinopharm.

Sa kanyng column sa Manila Times ay inilahad ni Tulfo na ipinahiram niya ang kanyang cellhone kay Pangulong Duterte para kausapin ang Sinopharm representative sa bansa.

Ibinisto niya na  hiniling ng Pangulo na bigyan siya ng samples ng CoVid-19 vaccine para sa sarili at kanyang pamilya.

Inamin ni Tulfo na siya at ilang hindi tinukoy na mga opisyal ng gobyerno ay naturukan ng Sinopharm CoVid-19 vaccine noong OKtubre 2020.

Ikinuwento niya umano sa Pangulo na wala siyang naram­damang masamang side effect sa bakuna.

Kaugnay nito, nakiisa ang grupo ng mga doktor sa Philippine General Hospital (PGH) sa PGH community sa kolekti­bong panawagan tungo sa ligtas at epektibong CoVid-19 vaccine para sa lahat.

Sa kalatas ng PGH Physicians Association, inilahad na dapat ay dumaan sa pagtatasa ng Health Technology Assessment Council (HATC) ang Sinovac upang maging maayos ang “individual informed-decision makin” bago gamitin sa healthcare workers.

May disapproval rating na 95% anila sa PGH community ang Sinovac.

“Let us not lose sight of critical thinking especially with matters relating to our own health by monitoring updtaes and development s in the CoVid-19 vaccination. Public vigilance is key,” anang PGH-PA.

 

About Rose Novenario

Check Also

DMFI Partylist Daniel Fernando

 DMFI Partylist nag-file ng COC 

SA ika-pitong araw, ang mga kinatawan ng Damayang Filipino Movement Incorporated (DMFI) mula sa lalawigan …

Cynthia Villar Manny Villar Mark Villar Camille Villar

Dahil sa adbokasiyang agrikultura  
KONGRESO HINDI CITY HALL TARGET NI SENADORA CYNTHIA SA 2025 LOCAL ELECTIONS

BITBIT ang kanyang ipinagmamalaking adbokasiya para sa agrikultura, tila nagpatutsadang sinabi ni Senator Cynthia Villar …

Imelda Aguilar April Aguilar Alelee Aguilar

Walang atrasan
PAMILYA AGUILAR NAGHAIN NG COC PARA SA LOKAL NA ELEKSIYON SA 2025

OPISYAL nang naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) sina incumbent Mayor Mel Aguilar, Vice …

Aileen Claire Olivarez ACO

Nakukulangan sa aksiyon ni mister,
MISIS NAGHAIN NG KANDIDATURA PARA ALKALDE NG PARAÑAQUE

IT’S women’s world too!          Tila ito ang binigyang diin ng paghahain ng certificate of …

Lani Cayetano

Taguig incumbent mayor naghain ng kandidatura para sa dating posisyon

SABAY-SABAY na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang Team TLC sa pangunguna ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *