Sunday , March 16 2025

PNP, LGU pinulong ng IATF vs CoVid-19 (Safety protocols pinaigting)

DUMALO sa pagpupulong na pinangungunahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga kawani ng Arayat Municipal Police Station sa pamumuno ng kanilang hepeng si P/Lt. Col. Eduardo Guevarra, lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Emmanuel Alejandrino, DILG, Engineering Department, MDRRMO, Municipal Health Officers, at mga kapitan ng barangay, nitong Lunes, 22 Pebrero, sa Municipal Function Hall, Plazang Luma, sa bayan ng Arayat, lalawigan ng Pampanga.

Sa pagtitipon, binigyang diin ng IATF ang pagpa­paigting sa pagpapatupad ng mandatory minimum health safety protocol na inilatag ng pamahalaan upang maiwasan at mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19 sa mga komunidad sa pamamagitan ng was­tong pagsuot ng facemask, face shield, social/physical distancing, at palagiang paghuhugas ng mga kamay gamit ang tubig at sabon.

Pinaaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga kapitan ng barangay sa naturang bayan kaugnay sa pagsagawa ng road clearing sa kanilang nasa­sa­kupan at pagroronda upang mapigilan ang krimen, kaantabay ang police patrollers sa kanilang area of responsibilities (AOR), gayon din sa pagpapatupad ng curfew hours.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang …

031325 Hataw Frontpage

FPRRD ‘di biktima, kundi mga pinatay sa war on drugs — Solons

ni GERRY BALDO NANAWAGAN sa publiko ang dalawang lider ng Quad Committee ng Kamara kahapon, …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

BILANG tugon sa mga hamon na kinakaharap ng persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *