Sunday , July 13 2025
Makati City

Makati curfew 3 oras na lang

TATLONG oras na curfew ang ipatutupad sa lungsod ng Makati sa simula ng Simbang Gabi para maka-dalo sa misa ang Maka-tizens.

Kabilang ito sa updated guidelines ng Executive Order No. 25 ni Makati City Mayor Abby Binay.

Samantala, simula 20 Oktubre, Martes, habang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang lungsod, iiral ang apat na oras na curfew  mula 12:00 am hanggang 4:00 am.

Pagsapit ng 16 Disyembre 2020, ang curfew hours ay hanggang 3:00 am upang bigyang-daan ang pagnanais ng mga Katoliko na makadalo sa Simbang Gabi.

Exempted sa curfew ang mga nagtatrabaho na may schedule ang pasok sa loob ng curfew hours, mga health worker, authorized government officials, sa mga lumalabas ng bahay dahil sa medical at humanitarian reasons, mga patungo sa airport para sa travel abroad, mga taong  ang trabaho ay nasa basic services at public utilities, mga taga-deliver ng pagkain at gamit, at essential workforce ng city government.

Hindi rin maaaring lumabas ng bahay ang mga menor de edad maliban sa medical emergencies.

Ang mga establsimiyento naman na nais mag-operate ng exclusive delivery services sa loob ng curfew hours ay kailangang ilagay ito sa Notice of Re-opening at ang hintayin ang con-firmation sa pamamagitan ng email mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO).

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *