Monday , November 4 2024
Philhealth bagman money

Korupsiyon sa Philhealth, ‘alibi’ ni Duterte (Sa pagbebenta ng PH properties sa Japan)

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ng Kongreso ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil wala na umanong pondo ang state-run insurer.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi, wala nang pondo ang PhilHealth, mahirap nang isapribado kaya’t walang kapitalista na magkakainteres na bilhin ito.

“Itong PhilHealth, I am going to propose to Congress to abolish the… Kung i-privatize mo naman, susmaryosep, walang pera. Sino insurance mo…? Huwag mo sabihin ng mga kapitalista sa insurance: Kami ang magbayad? Wala kayong pondo,” anang Pangulo.

Idinahilan ng Pangulo sa pagbebenta niya ng mga ari-arian ng bansa sa Japan bilang remedyo sa kawalan umano ng pondo ng PhilHealth.

“That is why we are selling properties. That is the reason why we are selling properties, real estate properties in Japan because we have to raise money. Wala nang pambayad ‘yang sa PhilHealth na ‘yan kung… Kaya walang ibang remedy riyan. It must be a surgical move. Talagang… kung hindi, paalisin ko sana the itong mga Civil-Civil Service,” aniya.

Ikokonsidera aniyang nagbitiw ang lahat ng obrero at opisyal ng PhilHealth pero ang totoo, pinaalis niya para palitan ng mga bagong empleyado sa itatayo raw na bagong health insurance agency.

“Create a new agency out of that — out of the ruins of that old one. Hindi — hindi na puwede, Secretary Duque. Hindi na puwede na itong mga tao na ito they are already entrenched na. Wala, walang mangyari. Talagang either I’m going to revamp, consider everybody resigned there and if there’s the structure, we can slowly… And ‘yung i-disband ‘yung ibang ano. Just a simple — I mean as simple as it could ever be. That’s what I mean,” dagdag niya.

Ngunit para sa Department of Foreign Affairs (DFA) , malaking problemang legal ang haharapin ng Philippine government kapag ipinursigi ang pagbebenta ng mga ari-arian sa Japan.

Ang mga ari-arian ay ipinagkaloob bilang war reparations sa Filipinas.

Batay sa position paper ng DFA kaugnay sa House Bills 1921 at 5841, na naglalayong ipagbili ang mga ari-arian ng Filipinas na ibinigay ng Japanese sa Philippine government na matatagpuan sa Roponggi, Nampeidai at Fujimi sa Tokyo, gayondin sa Naniwa-Cho at Obanoyama sa Kobe upang pondohan ang pension at mga benepisyo ng mga beterano at military retirees.

Ayon sa DFA, ang Roponggi property— na ang unang palapag at bahagi ng basement ay nagsisilbing mga opisina ng Philippine Embassy sa Tokyo ay kasama sa 1997 Development Agreement at ibabalik lamang sa Philippine government sa 2047.

“The sale or development [of the Roponggi property] would affect existing rights of third parties under Japanese law,” anang DFA sa position paper.

Habang ang Nampeidai property, sabi ng DFA ay sumasailalim sa paglilitis sa Supreme Court at kasama rin sa 10 kaso sa Japanese courts mula 2007 hanggang 2018.

Sa kasalukuyan, ang Nampeidai property ay ginagamit bilang lugar na pinagdarausan ng mga pagtitipon ng Filipino community at extension office ng Embassy.

Ang Naniwa-Cho at Obanoyama properties sa Kobe prefecture, ayon sa DFA ay hindi puwedeng ibenta dahil kasama ito sa 2005 Service and Development Agreement (SDA) na nagsasaad na ibabalik lamang ito bilang pagmamay-ari ng Philippine government sa 2058.

“The redevelopment or sale of these [Kobe properties] will lead to costly litigations in Japan. As the possession of the property will not revert to Philippine government until 2058, any redevelopment or sale now will also not generate maximum price for the property for the Philippines,” dagdag ng DFA.

Kinatigan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang posisyon ng DFA  at inihayag ang 1990 Supreme Court ruling na walang batas na nagpapahintulot na ipagbili ang Roponggi property at ang kahalagahan ng ari-arian ay hindi sa presyo kundi dahil ito’y may simbolikong importansiya sa lahat ng Filipino – beterano at sibilyan.

Itinadhana rin sa SC ruling na ang pagbebenta ng Roponggi at iba pang ari-arian ng Filipinas sa Japan ay isang policy determination na dapat may basbas ng Pangulo ng bansa at ng Kongreso.

“Whether or not the Roponggi and related properties will eventually be sold is a policy determination where both the President and Congress must concur. Considering the properties’ importance and value, the laws on conversion and disposition of property of public dominion must be faithfully followed.

“It is clear in the decision of the Supreme Court that any such conveyance must be authorized and approved by a law enacted by Congress, and that it requires executive and legislative concurrence,” ani Rodriguez.

“As declared by the high tribunal, the importance of the country’s war reparation assets in Japan “is their symbolic value to all Filipinos,” dagdag niya. (ROSE NOVENARIO)            

About Rose Novenario

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *