Tuesday , November 5 2024

Kampanya kontra CoVid-19 may direksiyon na nga ba?

KAHAPON sinabi ng researchers ng University of the Philippines (UP) kung magtutuloy-tuloy ang paghina o pagbaba ng bilang ng mga impeksiyon dulot ng pagkahawa ng CoVid-19 sa katapusan ng Agosto hanggang Setyembre posible umanong maabot na natin ang layunin na mapatag ang kurbada ng pandemya.

Ang ulat ay nakatutuwa pero ang kompiyansa ng mamamayan sa bagong datos ay hindi natin makapa.

Siguro, dahil wala tayong makitang direksiyon o klarong estratehiya kung paano titiyakin na pabababain kung hindi man tuluyang pupuksain ang salot na CoVid-19.

Ayon kay Dr. Guido David ng UP OCTA Research Team, ang reproduction rate o ‘yung tinatawag na “r-nought” sa National Capitol Region (NCR) ay bumababa na at haos malapit na sa 1.

Ayon sa mga taga-UP OCTA RT, kung ang reproductive number (RO o r-nought) ay mas mataas sa 1, asahan ang mabilis na reproduksiyon ng CoVid-19. Pero kung ang RO ay mas mababa sa 1, magiging mahina ang pagkalat ng impeksiyon hanggang tuluyang mamamatay.

Maliban sa mga numerong binabanggit ng mga researcher, may maiuulat pa ba ang mga awtoridad na bagong estratehiya kung paano susugpuin ang CoVid-19, bukod sa lockdown o iba’t bang anyo o antas ng community quarantine?

Kasabay ng senaryong tila ‘Juan Tamad’ na nag-aabang malaglag sa ‘puno’ ang bakunang tatapos sa pandemya, community lockdown ang mabisang paraan ng administrayong Duterte para pabagalin ito.

Hanggang dumating ang sandali na ang solusyon ng pamahalaan ay tuluyang maghintay ng bakuna kasabay ng pagpapakawala ng bilyon-bilyong budget bilang pang-ayuda sa mamamayang inila-lockdown.

Kasunod ito ng balitang mayroong ‘reinfection’ na nagaganap sa hanay ng mga pasyenteng ‘gumaling’ na ngunit tila nakararaas na naman ng mga bagong sintomas.

Pero sinansala ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng salitang ‘reinfection’ dahil wala naman umanong pag-aaral na makapagpapatunay nito.

‘Yan na naman kayo!

So, ano pala ang puwedeng itawag sa mga pasyenteng sumailalim na sa 14-day quarantine pero nang muling i-swab test ay nagpositibo pa rin?

O mga pasyenteng nai-confine na at nagnegatibo sa huling swab test ngunit nang umuwi ay muli na namang nakaranas ng mga sintomas?

Hindi po ba ‘reinfection’ ang tawag doon Undersecretary Maria Rosario Vergeire?

Sa usapin naman ng bilyon-bilyong budget, may Bayanihan 1 na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos at sa totoo lang ay marami pa ang naghihintay na mabiyayaan ng 2nd tranche.

Ngayon naman ang Bayanihan 2 na itinakda ng pamahalaan na ipokus sa mga frontliner sa hanay ng medical sector o community ay nais pang sumambot ng mga taga-turismo upang huwag umanong maghingalo ang kanilang kampanyang makatulong sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya.

Kung mismong sa cabinet level ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magulo kung paano nila gagastusin ang Bayanihan 2 na muli na namang manggagaling sa bulsa ng mga taxpayer, paano mapapanatag ang umaasang mamamayan na mayroon ngang direksiyon ang administrasyong ito kung paano wawakasan ang pandemya?!

Tanging Sputnik V na lang nga ba ang kasagutan?!

Tu-tu-tu-tut tutut… Filipinas, game ka na ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *