Tuesday , January 31 2023

Sinita ng pulis sa Maynila
DRIVERS TINAKOT LACSON-SOTTO FACE MASK BAWAL

111121 Hataw Frontpage

PUWEDENG isuot pero dapat na baliktarin at ipaloob ang bahaging may pangalang Lacson-Sotto at ang blanko o walang marka ang nasa labas.

Ito ang naging karanasan ng ilang padyak, tricycle at kuliglig drivers sa mga piling bahagi ng lungsod ng Maynila na gumagamit ng face mask na may marka ng mga pangalan nina Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson at running mate na si Tito Sotto sa hangarin na magkaproteksiyon sa hangin na posibleng kontaminado ng CoVid-19.

Sa mga kandidatong tumatakbo sa pambansang posisyon, ang Lacson-Sotto tandem ang nakaisip na mamahagi ng libreng face masks upang mabawas-bawasan ang gastos ng mahihirap sa proteksiyon laban sa pandemya.

Partikular na nakaranas ng ganitong pangyayari batay sa mga impormasyong naglalabasan ay ang mga traysikel at padyak drivers sa bahagi ng Tondo, Binondo, Quiapo, Abad Santos, at Divisoria.

Bukod sa pagpapabaligtad sa suot na face mask ay pinagbabawalan din umanong magkabit ng Lacson-Sotto tarp sa kanilang mga sasakyang panghanapbuhay.

 “Mga sir magandang gabi po sa area ng District 1 Tondo sinisita ng mga police mga tarp na nakalagay sa tricycle pinagbabawal, tapos ‘yung face mask pinababaliktad po. ‘Yan po report ng tao natin,” banggit ng impormante ng naturang pangyayari.

Ayon sa sumbong, dalawang pulis umano ang naninita sa mga nagsusuot ng face mask na kita ang marka ng Lacson-Sotto upang mapilitan ang mga may-suot na itago ang marka at ang blankong bahagi ang ilantad.

        “Yan po txt sa akin ‘yung sa tarp di na ako nagsabi po sa inyo pero sa face mask iba na pong usapan na ‘to. ‘Yung tarp simula pinaalis sa tricycle sa bahay na nilalagay nagawan ng paraan. Pero face mask na babaliktarin nakakabastos na po,”  lahad pa ng impormante.

Ayon pa sa source, marami umanong Lacson-Sotto face masks at tarp ang mga traysikel at padyak drivers pero imbes gamitin ay itinatabi na lamang sa bahay sa pangambang maprehuwisyo ang kanilang pamamasada araw-araw.

Isa umanong opisyal ng pulis na taga-Moriones sa Tondo ang posibleng nasa likod ng pananakot sa padyak at traysikel drivers.

        Ang mga impormante na ayaw munang magpabanggit ng pangalan ay nakatakdang magtungo sa headquarters ng Partido Reporma at sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) para idulog ang pandadahas na kanilang dinaranas dahil lamang sa pagsusuot ng Lacson-Sotto face mask sa hangaring magkaroon ng proteksiyon laban sa CoVid-19. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

013023 Hataw Frontpage

Sa Duterte drug war
MARCOS VS ICC PROBE ITIGIL — CenterLaw

HINILING ng isang grupo ng mga abogado kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na itigil …

Scam fraud Money

Sa takot sa asawa na malamang na-scam
GINANG NAGTANGKANG MAGPATIWAKAL

NAGTANGKANG magpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan nang pagtalon sa isang footbridge dahil umano …

shabu drug arrest

Nag-aabutan ng shabu sa Vale
2 TULAK, HULI SA AKTO

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan …

marijuana

Drug group member, kasabwat nabingwit sa drug bust

KULONG  na  ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang miyembro ng “Zaragosa drug group” …

prison rape

Most wanted sa Vale
KELOT, HOYO SA KASONG STATUTORY RAPE

HULI ang isang 18 anyos na kelot na listed bilang most wanted sa kasong statutory …