Saturday , May 21 2022
Pantawid Pasada Program, LTFRB, DBCC

Pantawid Pasada Program binuhay,
P1-B CASH AID SA 178K TSUPER IPINANGAKO

ISANG bilyong pisong cash aid ang ipamamahagi ng gobyerno sa 178,000 tsuper ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa sa nalalabing tatlong buwan ng 2021.

Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) matatanggap ito ng mga tsuper sa ilalim ng binuhay na Pantawid Pasada Program na pangungunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang ayuda ng pamahalaan sa public transport sector na umaaray sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Anang DBCC, manggagaling ang pondo mula sa ‘unprogrammed appropriations’ sa ilalim ng 2021 national budget na pansuporta sa infrastructure projects at social programs.

Ang pagbibigay ng cash aid ng pamahalaan ang isa sa mga panawagan ng mga transport group upang makatulong sa pagsagupa ng mga tsuper at operator sa walang habas na oil price hike sa gitna ng CoVid-19 pandemic.

Kabilang rin sa hirit nila ang pansamantalang suspensiyon ng fuel excise tax at P2-3 dagdag singil sa pasahe.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakikinig ang gobyerno sa hinaing ng transport groups at pinag-aaralan ang mga ito.

“Government is heeding and we are evaluating po,” ani Roque sa Palace press briefing kahapon. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

shabu

P3.4-M shabu ‘nasamsam’ sa 3 biyahero, 5 tulak timbog

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang tinatayang P3,400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong suspek sa …

shabu drug arrest

P.25-M droga nasabat 2 tulak tiklo sa Rizal

UMAABOT sa 31 gramo ng hinihinalang shabu ang nakompiska ng mga tauhan ng Provincial Intelligence …

Gun Fire

Road rage nauwi sa barilan
TRUCK DRIVER PATAY SA ISABELA

ISANG truck driver ang binawian ng buhay matapos barilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa …

fire sunog bombero

Umabot sa 4th alarm,
BASECO COMPOUND TINUPOK NG APOY

TINUPOK ng apoy ang isang residential area sa Baseco Compound sa Port Area, sa lungsod …

Martin Romualdez

Martin Romualdez, Rida Robes, Johnny Pimentel, Reggie Velasco, Aurelio Gonzales

TINUGUNAN ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga katanungan mula sa …