Thursday , March 30 2023

Palasyo kay Leni: Tinimbang ka ngunit kulang

TINIMBANG siya ngunit kulang.

Ito ang pahayag ng Palasyo sa banta ni Vice President Leni Robredo na isisiwalat sa mga susunod na araw ang natuklasan niya kaugnay sa drug war na isinusulong ng admi­nistrasyon sa loob ng 18 araw niyang pagiging drug czar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, malaya si Robredo na gawin ang gusto dahil lahat naman ng ‘natuk­lasan’ niya ay ibinigay sa kanya bilang drug czar.

“She can do as she pleases. Anything that she claims she has discovered was accessed to her,” ani Panelo.

Kaya nga aniya iti­nalaga si Robredo bilang drug czar upang mala­man ang lahat ng gusto niyang mabatid maliban sa tsansang makatulong sa kampanya kontra-illegal drugs.

“She was precisely appointed, apart from giving her the opportunity to assist in the campaign against illegal drugs, to let her know that everything in the drug was and is transparent,” dagdag ni Panelo.

Iginiit ni Panelo, sini­bak ni Pangulong Rodri­go Duterte si Robredo dahil kapos sa kaka­yahan bilang drug czar maliban sa kabiguan na ihayag ang sinasabi niyang mga bagong patakarang pa­ma­­lit sa tinawag niyang “ineffective method” sa paglaban sa illegal drugs.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *