Thursday , March 30 2023

Kaya tinanggal sa gabinete… Duterte napikon sa meeting ni Robredo sa US at UN

NAPIKON si Pangulong Rodrigo sa paki­kipagpulong ni Vice President Leni Robredo sa mga kalaban ng isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon, kaya hinubaran ng cabinet rank ang kanyang pagiging drug czar.

Inamin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sumama ang panlasa ni Pangulong Duterte kay Robredo nang makipag-meeting at humingi ng payo sa mga dayuhang personalisad at institusyon na hinus­gahan na ang kanyang drug war bilang paglabag sa karapatang pantao at krimen laban sa sang­katauhan.

“The Vice President talking with — and seeking the advice of — certain foreign institutions and personalities that have prejudged the campaign against illegal drugs as a violation of human rights, as well as a crime against humanity, did not sit well with the President,” ayon kay Panelo sa isang kalatas kahapon.

Ang naturang mga hakbang ni Robredo ay kontra sa tiwalang ipinag­kaloob sa kanya ng Pangulo na maging miyembro ng gabinete bilang drug czar.

“The VP’s actions are all documented in mainstream and social media. These missteps not only derailed PRRD’s well-meaning intent for the Vice President to be part of the Adminis­tration, but registered red signs that could not be ignored,” giit ni Panelo.

Ang pagsusumikap aniya ni Robredo na mabatid ang classified information ay maaaring magpahamak sa sam­byanang Filipino at sa estado kaya tinanggal siya bilang miyembro ng gabinete.

“Ms. Robredo’s in­sistence on getting access to classified information, a revelation of which could imperil the welfare of the Filipino people and the security of the State, added to PRRD’s re­consideration of his earlier desire to appoint her in the Cabinet,” sabi ni Panelo.

“Her requests for unrestricted data to help her fulfill her role is an admission that the earlier criticisms of the political opposition to which she belongs against the anti-drug operations have no factual basis,” dagdag niya.

Binigyan diin ni Panelo na ang tendensiya ni Robredo na maging ‘generous’ sa mga hawak na impormasyon at iba­hagi ito sa iba ay puwe­deng maging mapanganib para sa bansa.

“Being a member of the Cabinet gives Ms. Robredo unlimited access to sensitive State matters which if transmitted by her whether purposely or otherwise could result to adverse consequences, especially since the VP has the tendency to be generous with acquired information and know­ledge to others whose predilection may not be in the best interest of the country,” ayon kay Panelo.

Kamakalawa ay binawi ng Pangulo ang cabinet rank na kalakip ng posisyong drug czar na ibinigay kay Robredo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *