Friday , March 28 2025

Sa murang koryente… Desisyon ng SC pinuri ng MKP

BUONG pusong tinanggap ng Murang Kuryente Partylist (MKP) ang desisyon ng Supreme Court (SC) na obligahin ang lahat ng power supply agreements (PSA) na isinu­mite ng distribution utilities (DU) noon o pagkalipas ng 30 Hunyo 2015 na sumailalim sa competitive selection process na hinihingi ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Bunga ng desisyon ng SC, nabalewala ang lahat ng 90 at iba pang naka-pending na PSA appli­cations, pito rito ang opre­sibong isinusulong ng Meralco sa mga genera­tion company (GenCo).

“Magandang balita ito. Kung masusunod ang nakasaad sa batas, dapat bumaba ang mga genera­tion charge na ipinapataw sa atin ng distribution utilities tulad ng Meral­co,” sabi ni MKP nominee Gerry Arances.

Dati nang nagpeti­syon ang MKP sa kataas-taasang hukuman para kumilos kontra sa pitong hindi makatarungang PSA.

Bagamat magdu­du­lot ang tagumpay sa SC nang mas mababang singil sa koryente, nagbabala pa rin si Arances sa mga konsumer na hindi pa tapos ang laban.

“Marami pang maa­aring mangyari. Maaari pang humingi ng motion for reconsideration ang mga kompanya na naki­ki­nabang sa mga maa­nomalyang PSAs. Bukod dito, kahit sa wakas ay masusunod na ang batas sa pagpili ng pinaka­murang supplier, marami pa rin probisyon ang EPIRA na nagbibigay nang dagdag na kita sa mga kompanya ng kor­yen­te at dagdag pasanin sa mga konsumer,” anang energy advocate.

Ginamit ni Arances ang oportunidad para punahin ang mga politiko na sumasakay sa isyu ng koryente ngunit wala namang ginagawa.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin tayo happy tulad ng ipinangako sa atin noon. Kaya dapat, konsumer na ang guma­law ngayon at ilaban ang interes natin,” anang MKP nominee.

Noong Marso, sinalag ng MKP ang tangka ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (Philreca), na tumatakbo rin bilang party-list, na maipasa ang real pro­perty tax ng mga electric cooperatives sa konsu­mer.

Ipinabatid din ng MKP ang kanilang inten­siyon, kasama ang Min­da­nao Coalition of Power Consumers (MCPC) at ang Malinis at Murang Kuryente Campaign (MMK) upang ipetisyon sa SC na atasan ang Energy Regulatory Com­mission na isupende ang 15 maanomalyang PSA na sanhi ng dobleng singil ng koryente sa Mindanao.

Labingdalawa sa 15 PSA ang hindi nakober ng huling desisyon ng SC.

Tiniyak naman ni Arances sa mga konsumer na ipagpapatuloy ng MKP ang kanilang paki­ki­paglaban sa mga power company upang mase­guro ang mas mababang singil ng koryente para sa lahat ng Filipino.

“Ang koryente, ser­bisyo at hindi negosyo. Hangga’t hindi nagiging totoo ito sa batas at kalakaran ng koryente sa bansa, hindi kami titigil sa pagkalampag sa mga kompanya ng koryente  sa kalsada, sa korte, at sa Kongreso,” sabi ni Arances.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Multi-sectoral na grupo sumuporta sa ARTE partylist at Shamcey Lee

Multi-sectoral na grupo sumuporta sa ARTE partylist at Shamcey Lee

MALAKING suporta sa kandidatura ni Shamcey Supsup-Lee, sa Konseho ng unang distrito sa Pasig City …

TRABAHO Partylist Melai nakatulong na sa naghahanapbuhay, nakapamalengke pa para sa pamilya

Melai nakatulong na sa naghahanapbuhay, nakapamalengke pa para sa pamilya

IBINAHAGI  ng TRABAHO Partylist sa kanilang opisyal na Facebook page nitong Lunes ang video na …

Arjo Atayde kusina on wheels

Kusina on Wheels angat sa mga proyekto ni Arjo

MA at PAni Rommel Placente SA unang sabak palang sa politika ni Arjo Atayde three years ago, …

Arjo Atayde SODA

Arjo ilang beses naluha sa kanyang SODA: 400K residente nakikinabang sa Aksyon Agad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez EMOSYONAL si Congressman Arjo Atayde sa kanyang State of the District Address (SODA) …

032625 Hataw Frontpage

P136-M shabu nasamsam sa pulis, 3 alalay

ni ALMAR DANGUILAN DINAKIP ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *