Saturday , October 5 2024

Wilbert Tolentino, ini-level-up ang The One 690 Entertainment Bar

INILUNSAD ng matagumpay na negosyante at Mr. Gay World Philippines 2009 na si Wilbert Tolentino ang evolution ng entertainment bar. Kakaiba ang 24 production number na inihanda na swak sa mga millennial. Level up na ang masasaksihang mga palabas sa The One 690 na matatagpuan sa 39 Roces Ave., Quezon City in front of Amoranto Sports Complex.

Iba na ang kalidad na mapapanood ngayon sa apat na dekada ng The One 690. Nagsimula ito noong 1972, naabutan pa ang martial law na may curfew. Bawal pa pumasok ang mga babae noon. Itinayo ang Club 690 ni Boy Fernandez at pinamahalaan ni Raoul Barbosa. Pansamantala itong nagsara hanggang muling binuksan ni Wilbert katuwang ang co-owner/manager na si Mami Genesis Gallios. Tinawag na itong The One 690 at sila rin ang nagkonsepto ng ebolu­syon ng show.

Pagbabalik-tanaw ni Wilbert, “Since 2004 binigyan ako ng basbas na ipagpatuloy ang 690 ni Boy Fernandez dahil nakita niya ang passion ko sa entertainment industry and the rest is history.”

Dagdag niya, “Sa pagdaan ng panahon babae na ang nagsusulputan sa ganitong klaseng entertainment bar. Hindi na solo ng mga ka­badingan. Puwe­de na sa lahat ng gender. Hindi na kailangan mag­dalawang-isip pa ang mga babae para pumasok.

“So, ang The One 690 ang unang magse-set ng high standard caliber ma enter­tain­ment sa he­nerasyon nga­yon. Mapapanood dito ang maka­bagong production number na pasado sa pan­lasa ng mga kababaihan at sangkabekihan. Mas fabulous, amazing ang show na pasabog ang costume. Nandiyan ang Las Vegas-type shows, Broadway sa New York at Moulin Rouge sa Paris. Pang-world class talaga. Of course, hindi pa rin nawawala ang mga seksi at guwapong modelo sa kanilang katakam-takam na performance.”

“Iyong 24 production number ay teaser pa lang,” sambit ni Wilbert. Pahabol pa niya, “Ini-level up namin ang The One 690 dahil girls night out na ang trending sa millennials. Maraming ganap na rin gaya ng bridal shower party. Open minded na ang society ngayon compare sa 70s 80s & 90s na henerasyon. Sumasabay na ang entertainment bar sa makabagong panahon.”

Nagpasalamat din siya sa mga taong naniniwala sa kakayahan nila ni Genesis sa entertainment industry at sa suporta ng mga parokyano. Bolder. Wiser. Sexier kung isasala­rawan ang The One 690 Entertainment Bar. May tagline din ito na It’s quality men entertainment. Bisitahin ang kanilang website na www.690manila.com

Bukod dito, nag-decide sina Wilbert at Genesis na magtayo pa rin ng bagong entertainment bar na Apollo world class male entertainment & KTV bar.  Ito’y located sa 717-B Roxas Boulevard, Parañaque City (malapit sa Baclaran). Gaya sa The One 690 mapapanood din dito ang mga pasabog na production show. “’Old school gay bar’ no more!” pagtatapos ni Wilbert.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Piolo Pascual Rhea Tan Beautéderm

PIOLO PASCUAL NAGPAKILIG SA MEET AND GREET SA BEAUTÉDERM HQ,  
Ms. Rhea Tan nagdiriwang ng 15 taon sa negosyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Ultimate Heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *