Monday , October 14 2024

Babae patay sa sunog sa Maynila (Hotel, sasakyan ng PDEA at Post Office natupok sa QC fire)

PATAY ang isang 29-anyos babae nang masu­nog ang isang condo­minium sa Binondo, May­nila, kahapon.

Kinilala ang bikti­mang si Karen Caparas, 29 anyos.

Nailigtas ng mga kagawad ng pamatay sunog ang limang tao na nakulong sa 9/F ng Diamond Tower  a Ma­sang­kay St., Binondo.

Samantala,  isanghotel at 10 barungbarong ang natupok sa magka­hiwalay na sunog sa Quezon City kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Fire, dakong 2:00 am nang masunog ang Icon Hotel na matatagpuan sa Timog Avenue, Brgy. Sacred Heart, Quezon City.

Sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa ika-anim na palapag ng 7F building partikular sa electrical room.

Inaalam ng QC Fire ang pinagmulan ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Walang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente.

Samantala, dakong 12:00 ng tanghali nang sumiklab ang sunog sa squatters area sa likod ng Quezon City Post Office, NIA Road, Brgy, Pinya­han, QC.

Kaugnay nito, 10 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Sa ulat, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Jennifer at mabilis na kumalat sa katabing bahay na pawang yari sa kahoy at plywood.

Nahirapan apulahin ang apoy sa nasabing lugar dahil eskinita ang daanan papasok sa lugar mula sa compound ng post office na naide­klarang fire out dakong 2:00 pm.

Nadamay sa sunog ang mga nakaparadang sasakyan sa compound ng post office, at ang mga sasakyan na pag-aari ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA).

Nakikigamit ng parking area ang PDEA sa post office dahil sa kakapusan ng espasyo sa PDEA compound. Mag­ka­tabi lamang ang post office at PDEA.

Ilan sa mga nasunog na sasakyan ang dala­wang Toyota Innova, isang Toyota Vios, at dalawang Toyota Hi-Ace.

Walang naiulat na nasaktan sa sunog na naapula dakong 1:05 pm. (BONG SON/ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *