Thursday , October 10 2024

Deguito ng RCBC 7-taon kulong sa money laundering

APAT hanggang pitong taong pagka­kakulong ang inihatol ng Makati City Regional Trial Court (RTC) sa dating RCBC Jupiter branch manager sa kasong money laundering kahapon ng umaga sa lungsod.

Sa 26-pahinang desi­syon ni Makati RTC Judge Cesar Untalan ng Branch 149, si Maia Santos-Deguito, nasa hustong, dating RCBC manager ay may sapat na basehan para idiin sa kaso sa walong counts ng money laudering na isinampa ng Department of Justice (DOJ).

Sa rekord, ang kaso ay may kaugnayan sa US$81 milyong nakaw na salapi mula sa Bang­ladesh Bank na idinaan sa RCBC Jupiter Branch na si Dequito ang manager.

Partikular ang over-the-counter withdrawal ng US$14.3 milyon na bahagi ng US$81 milyong laundered fund at pinag­babayad din siya ng korte ng halagang US$109,­520,044.

Una nang naabsu­welto sa kasong kriminal ang Philrem Service Corp., at tanging si Degui­to ang natitirang aku­sado sa naturang kaso.

Noong 16 Pebrero 2016, na-hack ang Bangladesh Bank at ang US$81 milyong pondo nito ay napunta sa Filipi­nas sa pamamagitan ng payment instruction na natanggap ng Federal Reserve Bank of New York.

Nakatakdang mag­hain ng motion for recon­sideration (MR) ang kampo ng dating RCBC Manager Deguito kasu­nod ng guilty verdict ng RTC Branch 149 dahil sa nasabing kaso.

Kaugnay nito, habang umaapela ang kampo ng akusado, inihayag ni Atty. Demetrio Custodio na hindi makukulong ang kanyang kliyente dahil malaon nang naka­pag­lagak ng piyansa (pero hindi binanggit kung kailan at magkano ang halaga ng piyansa).

Sinabi ni Custodio, abogado ni Deguito, gagawin nila ang lahat ng legal remedies dahil hindi pa naman pinal ang desisyon ng korte.

Una rito, sinabi ni Custodio na hindi umano katanggap-tanggap ang desisyon ng korte dahil walang kinalaman ang trabaho ng kanyang kli­yente na marketing officer sa operasyon at aspekto ng banking transactions kaya imposibleng naka­pag-withdraw ang aku­sado ng malaking halaga ng pera sa banko.

Dahil dito, umaasa si Custodio na ikokonsidera ng hukom na may hawak sa kaso kapag naisumite na nila ang kanilang MR.

Naniniwala si Custo­dio na posibleng may mas mataas pang opisyal ng banko ang sangkot at dapat managot sa US$81 milyong salapi mula sa Bangladesh Bank na idinaan sa RCBC Jupiter Branch.

ni JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Check Also

Ramon San Diego Bagatsing III Pablo Dario Gorosin Ocampo

Haligi ng serbisyo publilko sa Maynila
BAGATSING AT OCAMPO NAGKAISA PARA SA BAGONG PILIPINAS

NAGSANIB-PUWERSA sa isang malalim na  makasaysayang pamana ng paglilingkod ang mga Bagatsing at Ocampo sa …

Alexandria Queenie Pahati Gonzales

“Queenie” magbabalik sa Mandaluyong City

MAGBABALIK sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating congresswoman ng nag-iisang distrito ng Mandaluyong City …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Isko Moreno Honey Lacuna

Yorme sa pagtapat kay Honey — Bahala na ang tao ang humusga kung sino ang gusto nila

I-FLEXni Jun Nardo PORMAL nang naghain ng candidacy bilang Manila Mayor aspirant si Isko Moreno kahapon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *