Saturday , October 12 2024
INIHAHANDA ng mga deboto ang kanilang poon sa gilid ng Quiapo Church bago sinimulan ang prusisyon ng mga replika ng Itim na Nazareno kahapon bilang paghyahanda sa Traslacion sa Martes, 9 Enero. (BONG SON)

Seguridad sa “Pahalik” at Traslacion kasado na

NAKAKALAT na ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga lugar na pagda­rausan ng mga aktibidad kaugnay sa Pista ng Itim na Nazareno.

Umabot sa 600 pulis ang itinalaga ngayong Linggo sa rutang daraa­nan ng blessing at pru­sisyon ng mga replika ng Itim na Nazareno, na idaraos sa Lunes, ani MPD chief S/Supt. Vicen­te Danao.

Pinaigting ang check­points sa lugar na naka­palibot sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo church, ani Danao.

Aniya, daragdagan nila ang mga itatalagang pulis sa mga susunod na araw.

Nauna nang sinabi ng National Capital Region Police Office na aabot sa 7,200 ang kabuuang bi­lang ng mga pulis na itatalaga sa mismong Traslacion ng Itim na Nazareno sa Miyerkoles, 9 Enero.

Sa 7,200, 2,200 rito ay magmumula sa MPD habang ang 5,000 iba pa ay manggagaling sa iba pang sangay ng pulisya sa Kamaynilaan.

Samantala, iniha­handa na rin ang segu­ridad para sa “Pahalik” sa Itim na Nazareno na nakatakda sa Martes sa Quirino Grandstand.

Inilatag nitong Linggo ang plastic barriers sa Quirino Grandstand ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Inihanda na rin ang first aid stations at ambu­lansiya sakaling magka­roon ng disgrasya o mag­kaproblema sa kalusugan ang mga dadalo sa “Pahalik.”

Noong nakaraang ta­on ay magkahiwalay ang pila para sa mga babae at lalaki sa “Pahalik” pero pag-iisahin na ang pila ngayong taon, ani Edward Gonzales, head ng road emergency ng MMDA.

Nagreklamo ang ilang magkakamag-anak at magkakasama noong nakaraang taon dahil hiwalay pa ang pila, ani Gonzales.

Ibig sabihin, dalawa na lang ang magiging pila sa “Pahalik” ngayong taon — isa para sa mga deboto, mapa-babae man o lalaki, at isa para sa mga person with dis­ability, senior citizens at buntis.

Inaasahang sa gabi ng Lunes ay darating ang mga deboto sa Quirino Grandstand para pumila sa “Pahalik.”

Sinuspende ng pama­halaang lokal ng Maynila ang pasok sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa lungsod sa Miyerkoles upang big­yang daan ang Traslacion.

Sinuspende na rin ng Korte Suprema ang trabaho sa lahat ng korte sa Maynila sa Miyerkoles.

Inilabas ng mga awto­ridad ang listahan ng mga isasarang kalsada sa May­­nila at mga alter­natibong ruta para sa Traslacion.

Tinatayang milyon-milyong tao ang lalahok sa Traslacion ngayong taon.

Tumagal nang 22 oras ang paghahatid sa andas ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church noong isang taon.

 (ABS-CBN News)

About hataw tabloid

Check Also

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *