Saturday , October 12 2024

NCRPO handa sa kapistahan ng Nazareno (7,100 pulis itatalaga)

INIHAYAG ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar na magtatalaga sila nang mahigit 7,000 pulis sa darating na 9 Enero para sa pista ng Itim na Nazareno upang magmantina ng seguridad at peace and order sa labas at bisinidad ng Quiapo.

“Sa atin pong preparation, we will be fielding around 7,100 police personnel kasama na po ‘yung augmentation nito. Basically around 2,000 plus will be coming from the Manila Police District and 5,000 from other districts pati na ‘yung regional mobile force battalion,” ayon kay  Eleazar.

Tinatayang nasa 2.5 milyong deboto o higit pa ang dadalo sa kapistahan ng Itim na Nazareno at tiniyak ni Eleazar sa  publiko na nakahanda ang kanilang puwersa para sa pagmamantina nang mahigpit na seguridad,  kaayusan at kapayaan sa  nalalapit na kapistahan.

Ilalabas ng NCRPO ang  traffic advisories sa publiko upang malaman kung aling mga kalsada ang isasara at magiging alternatibong ruta upang maiwasan ang kalitohan ng mga motorista.

Ayon sa NCRPO Chief, pinag-aaralan na rin nila kung isa-shutdown ang signal ng mobile phones habang nagaganap ang naturang event.

Dagdag ng opisyal, tiyak na ipatutupad nila ang “No Fly Zone at No Sail Zone” at hiniling nila ito sa  Department of Transportation  (DOTr) upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko partikular ang mga dadalo sa kapistahan ng itim na Nazareno.

Siniguro ni Eleazar, magpapatupad sila nang mas mahigpit na seguridad bago at mismo sa araw ng kapistahan upang iwasan ang  karahasan o kagulohan na posibleng samantalahin ng masasamang elemento.

About Jaja Garcia

Check Also

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *