Monday , March 27 2023

Warriors humirit ng Game 7

HUMIRIT ng do-or-die Game 7 ang defending champion Golden State Warriors matapos nilang tambakan ang kulang sa armas na Houston Rockets, 115-86 kahapon sa Game 6 ng 2017-18 National Basketball Association (NBA) Western Conference finals.

Kumayod si Klay Thompson ng 35 points kasama ang siyam na 3-pointers para sa Warriors na naitabla ang serye sa 3-3 sa kanilang best-of-seven battle.

Bukod sa opensa, mahigpit na dinepensahan ni Thompson si Rockets star James Harden sa second half kaya nahabol nila ang 17-point deficit at makuha ang lamang bago natapos ang third period.

Bumakas si Stephen Curry ng 29 markers, anim na assists at limang rebounds habang may 23 si Kevin Durant para sa Warriors.

Wala nang bukas para sa Western Conference topnotcher Rockets at Warriors sa Game 7 na ilalarga sa Houston.

Namuno sa opensa para sa Rockets si Harden ng 32 puntos na may  nine assists at pitong boards habang nag-ambag sina Eric Gordon at Trevor Ariza ng tig 19 at 14 puntos ayon sa pagkaka­sunod.

Haharapin ng mana­nalo sa rubbermatch ang mananaig sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Boston Celtics na nasagad din sa Game 7 ang ka­nilang banatan sa Eastern Conference. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply