Thursday , December 7 2023

Garcia gustong makaharap si Pacman

MARAMING boxers ang nag­haha­ngad makaharap si 8-division world champ-ion Manny Pacquiao.

Isa na rito ang bagong interim World Boxing Council (WBC) lightweight champion na si Ryan Garcia.

Maaaring ilang laban na lang at magreretiro na sa boksing ang Pamban­sang Kamao ng Filipinas, kaya naman bago mang­yari ‘yun ay nais ni Garcia na makipagsapakan  kay Pacquiao.

Inihayag ni Garcia na idolo niya si fighting senator Pacquiao at nais niyang makalaban bago magpasyang mag­retiro sa boxing.

Alam ni Garcia ang kalidad ng isang Manny Pacquiao kaya’t malaking karangalan kung maka­laban niya ang legendary boxer sa ibabaw ng ring.

“My dream is, I beat Tank Davis and then I end up getting a chance to fight Manny Pacquiao before he gets to go because he’s one of my idols,” saad ni Garcia.

Pero sa rami ng nagha-hangad makalaban si Pacquiao ay baka hindi siya mapansin kaya’t mangangarap na lang muna.

Sariwa pa si Garcia sa seventh-round knockout win kay Luke Campbell ng Great Britain noong Enero 2 sa American Airlines Center sa Dallas Texas.

Nasilo niya ang bakanteng interim WBC belt.(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

INANGKIN ng Philippine Canoe-Kayak team ang pangkalahatang kampeonato sa napagwagihang 21 medalya kabilang ang 10 …

Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis …

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa …

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

DINOMINA ng Siargao Dragons ang apat sa pitong events na nakataya at inangkin ang overall …

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

PUERTO PRINCESA — Muling bibigyan ng pagpapahalaga ang mayamang pamana ng kultura ng mga Filipino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *