Saturday , December 3 2022

Orcollo nanalasa sa US billiard kahit may pandemya

PAHIRAP ang 2020 dahil sa pag-atake ng coronavirus (COVID-19), apektado ang mga atleta dahil bukod sa naudlot ang mga sasalihan na events ay hindi sila makapag-ensayo.

Pero nakabuwenas si cue artist Dennis Orcollo sa pandemic kahit  na-stranded ito sa America dahil sa lockdown kaya nanatili siya doon hanggang quarantine period  dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na salihan ang mga billiards tournaments sa America at naharang niya ang mga katunggali.

Kahit matindi ang pinipinsala ng COVID-19 sa buong mundo ay naka-pokus si Orcollo sa kanyang mga laro kaya halos llahat ng sinalihan ay puwesto palagi sa top 3.

Sinunggaban ni Orcollo ang siyam na titulo habang nakatambay sa America, pinakamalaki ang prestihiyosong Derby City Classic 2020 Master of the Table title, ibinulsa niya  ang $20,000.

Kumubra ng $16,000 top purse ang Pinoy cue master sa 9-Ball Banks Division ng Derby City Classic.

Nakaipon si Orcollo ng $83,530 na premyo ngayong taon sa sinalihang tournament kaya naman hinirang siyang Money Maker King award para sa taong 2020 sa inilabas na listahan ng Az Billiards.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply