Wednesday , November 6 2024

Makapangyarihan pa rin ang Dasal

UNA sa lahat, nais natin pasalamatan ang Pangi-noong Diyos sa Kanyang kapangyarihang hipuin ang gobyerno ng North Korea partikular na si NoKor President Kim Jong-Un na huwag ituloy ang planong pag-atake sa Guam, isa sa estado ng Amerika, sa pamamagitan ng missile attack. Praise God.

Ngunit, huwag munang makontento ang lahat – dapat ay magpatuloy pa rin tayo sa panalangin dahil hangga’t wala pa talagang kasiguruhan ang NoKor sa kanilang plano, maaaring anomang oras o araw ay magbabago ang isip ng kanilang Pa-ngulo.

Kita naman natin kung paano iniyayabang, ipinaparada at ipinapaalam ng NoKor sa buong mundo ang lakas ng kanilang produktong ‘war toys.’ Hindi biro ang missile na kanilang inihanda para sa Guam. Akalain ninyo, sa loob ng 14 minuto ay mararating ang Guam o ang karagatan ma-lapit sa isla.

Ibig sabihin, kapag nagkataon walang sapat na oras para makapagtago ang mamamayan ng isla para iligtas ang kanilang sarili.

Bagamat, kahanga-hangan naman ang gob-yerno ng Guam o ng Estados Unidos dahil naging kalmado sila at pinaghandaan ang lahat.

Ang tanong, paano kaya kung ang bansa natin ang makatatanggap ng banta mula sa NoKor? Anong paghahanda kaya ang gagawin ng gob-yerno natin?

Kalamidad na nga lang o malalakas na bagyo ay bagsak na, paano pa kaya kung paulanan tayo ng missile ng NoKor.

Anyway, naniniwala tayong hindi hahayaan mangyari ito ng Panginoon maging ng gobyerno. Manalig lamang tayo sa Kanya. Bukod dito, ang lahat ay nakukuha sa mapayapang pakikipag-usap at hindi makukuha sa pakikipagmatigasan.

Ano pa man, ang pag-atras ng NoKor sa pagpapalipad sana ng apat (4) missile patungong Guam kamakalawa ay para obserbahan o alamin muna ng NoKor kung ano ang magiging aksyon ng US of America.

Ibig sabihin, nandiyan pa rin ang plano ng NoKor. Naghihintay lang at pinag-aaralan ang hakbangin ng US.

Kaya ang lahat ay dapat na maging alerto, hindi lang ang US kundi maging ang gobyerno natin. Oo, walang kakayahan ang armas natin laban sa armas ng NoKor pero, iba pa rin ang maging handa kahit na hindi kabilang ang Filipinas na pinag-initan ng NoKor.

Kinakailangan, mayroong contingency plan pa rin ang gobyerno. ‘Ika nga, alalahanin natin, ka-kampi (pa rin) ng Filipinas ang Amerika.

Pero tayo naman ay umaasa na tuluyan nang huhupa (with God’s Grace) ang tensiyon sa pagitan ng N. Korea at Amerika. Sana’y magkaroon din ng diplomatikong solusyon ang hindi pagkakaunawaan ng Pyongyang at Amerika.

Sa parte ng gobyerno natin, mabuti naman at kumilos ito sa pag-apela (kahit na paano) sa US at NoKor na huwag nang palalain ang sitwasyon sa Korean pe­ninsula bagkus ay magkaroon ng patuloy na dialogo para sa kapayapaan.

Higit sa lahat, tandaan na mas makapangyarihan pa rin sa lahat ang panalangin at pagtitiwala sa Diyos.

***

E kumusta ang giyera ng gobyernong Duterte laban sa ilegal na droga. Hayun, araw-araw ay may napapatay na tulak. Buti nga sa inyo. Napapatay sila makaraang manlaban sa mga operatiba ng Philippine National Police (PNP).

Ngunit, masasabi nga bang tagumpay ang gobyerno sa kampanya laban sa droga? Si Ex-PNoy lang naman yata ang nagsasabing hindi.

Oo naman, masasabing successful pa rin sa kabila na hindi pa rin maubos-ubos ang mga salot. Pero at least, makikitang tagumpay ito dahil marami nang nalalagas sa kampo ng mga tulak, bigtime o small time players kabilang ang narco-politicians.

Bukod dito, dahil din sa ‘tulong’ ng mga kumikilos na naka-bonnet at mga operatiba, marami nang naarestong tulak, may mga nagbagong buhay lalo sa mga drug user.

Ang bunga ng matagumpay na kampanya ay… malaki ang ibinaba ng krimen.

Kaya, nawa’y patuloy natin suportahan ang giyera ni Pangulong Digong laban sa droga.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *